Ang tuon ng paggawa

SHARE THE TRUTH

 347 total views

Mga Kapanalig, dalawang linggo na ang nakararaan nang mangyari ang madugong engkwentro sa pagitan ng mga pulis at mga mangagawa ng NutriAsia na nag-rally sa labas ng planta ng kompanya sa Bulacan.

Giit ng mga pulis, hindi violent dispersal ang nangyari. Sa kuwento nila, payapa nang umalis ang mga manggagawa nang bigla silang bumalik kasama na ang ilang miyembro ng isang militanteng grupo upang pasukin at batuhin ang planta. Dito na raw nag-umpisa ang gulo. Mariing kinukundena ng ating Simbahan ang paggamit ng karahasan kahit pa sa paggigiit ng ating mga karapatan. Sinusuportahan natin ang pag-oorganisa at malayang pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, ngunit sana’y iniiwasan ang paghantong sa karahasan ng anumang pagkilos. Gayunman, mainam na malaman ang puno’t dulo ng nangyaring gulo.

Halos dalawang linggo nang nagra-rally ang mga manggagawa ng NutriAsia bago mangyari ang engkwentro. Nananawagan silang gawin na silang regular, gawing sapat ang ipinasasahod sa kanila, tiyaking maayos ang kondisyon ng pagawaan, at ibalik ang mga tinanggal na lider ng unyon. Noong Pebrero, sinabi ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na may mga paglabag sa mga batas paggawa ang NutriAsia at ang mga manpower agencies nito. Kabilang sa mga paglabag na ito ang paggamit ng “labor-only contracting” o mas kilalang kontraktwalisasyon, pagsuway sa mga occupational safety and health standards, at underpayment ng basic wages at hindi pagbibigay ng iba pang benepisyo. Ipinag-utos din ng DOLE na i-regularize ng NutriAsia ang mahigit 1,000 manggagawa nito. Patuloy na nagmamatigas ang NutriAsia at itinatanggi nila ang mga sinabing paglabag. Dahil rito, pinaigting ng unyon ang kanilang pagkilos na nauwi nga sa pagkakatanggal ng ilan sa kanila sa trabaho at sa marahas na engkwentro.

Mga Kapanalig, ayon sa panlipunang turo ng Simbahan, may dalawang dimensyon ang paggawa. Ang unang dimensyon ay objective: tumutukoy ito sa kabuuan ng lahat ng gawain at instrumento’t teknolohiyang ginagamit ng tao upang makalikha ng mga bagay. Ang ikalawang dimensyon ay subjective: patungkol naman ito sa kakayahan ng taong lumikha, maging bahagi sa proseso ng paglikha, at tumugon sa kanyang bokasyong pakinabangan ang mundong ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Ang tao ang tuon ng paggawa. Sa pamamagitan ng paggawa, lubusan tayong nagiging tao.

Hindi ito mangyayari, Kapanalig, kung hindi kinikilala ang mga karapatan ng mga manggagawa. Tulad ng iba pang mga karapatan, nakabatay ang mga karapatan ng mga manggagawa sa kanilang pagkatao at dignidad. “Just wage is the legitimate fruit of work,” lehitimong bunga ng paggawa ang sapat na sahod. Malaking kasamaan kung dahil sa kasakiman ng mga may-ari ng negosyo, napagkakaitan ang mga manggagawa ng bunga ng kanilang pagpapagal. Matingkad ang kasakimang ito sa kontraktwalisasyon, kung saan ipinagdadamot sa mga manggagawa ang security of tenure, ang pagkakataong tumaas ang kanilang sahod, at ang pagkamit ng mga benepisyong itinakda ng batas.

Kinikilala rin ng Simbahan ang kahalagahan ng pag-oorganisa at aktibong pakikilahok ng mga manggagawa sa mga unyon upang maisulong ang kanilang mga karapatan. Mainam ang pagsasama-sama upang maplantsa ang mga gusot sa ugnayan nila at ng mga may-ari ng kompanya. Ngunit, muli, hindi ito katanggap-tanggap kung gagamit ang unyon ng dahas lalo pa’t mga kasapi nito ang unang mapapahamak.

Mga Kapanalig, hindi ito ang unang pagkakataong naging marahas ang paggiit sa karapatan ng mga manggagawa at ang pagmamatigas ng isang pribadong kompanya. Kaya’t patuloy ang ating panawagang wakasan na ang mga hindi makatarungang palakad sa paggawa. Sa parte naman nating mga mamimili, nawa’y maging mas mulát tayo sa kalagayan ng mga manggagawang nasa likod ng mga tinatangkilik nating produkto. Huwag tayong maging kasabwat sa pagyurak sa dignidad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang mga produkto ng mga kompanyang walang paggalang sa dignidad ng mga manggagawa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,338 total views

 5,338 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,383 total views

 13,383 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,463 total views

 18,463 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,170 total views

 24,170 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,958 total views

 32,958 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,339 total views

 5,339 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,384 total views

 13,384 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,464 total views

 18,464 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,171 total views

 24,171 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,959 total views

 32,959 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,079 total views

 40,079 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,393 total views

 54,393 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,083 total views

 58,083 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,686 total views

 56,686 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,673 total views

 66,673 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,641 total views

 70,641 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,528 total views

 81,528 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,967 total views

 93,967 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,725 total views

 104,725 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,978 total views

 51,978 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top