Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Anong gagawin sa mga pang-aabuso sa war on drugs?

SHARE THE TRUTH

 366 total views

Mga Kapanalig, sa isang panayam habang bumibisita sa Estados Unidos, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na mayroong mga pang-aabusong nangyari habang ipinatutupad ng sinundan niyang administrasyon ang “war on drugs” nito. Masyado raw kasing naka-focus ang administrasyong Duterte sa law enforcement o sa pagpapatupad ng batas. At dahil dito, masasabi raw na umabuso ang ilang elemento ng gobyerno na siya namang ikinabahala at pinupuna ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao sa bansa. 

Maliban sa pagkilala sa mga sinasabing pang-aabuso ng mga tagapagpatupad ng batas, sinabi rin ni PBBM na iligal na droga pa rin daw ang patuloy na nasa likod ng kriminalidad sa Pilipinas. Mas naging malakas, mas mayaman, at mas maimpluensya pa nga raw ang mga sindikato. Ang pagpapahina raw mga sindikatong ito ang tinututukan ngayon ng kanyang administrasyon, at kabilang rito ang paglilinis sa kapulisang tila hindi tinatantanan ng mga akusasyong isinasangkot sila sa pagkalat pa rin ng ipinagbabawal na gamot. 

Kung sinsero si PBBM sa mga sinabi niyang ito at kung paninindigan niya ang mga ito, sinasalungat niya ang ipinagmamalaking mga tagumpay ng nakaraang administrasyon sa pagpapatupad nito ng war on drugs. Maliban sa pagkilala sa mga pang-aabusong ginawa ng mga nagpatupad ng marahas na programang iyon, sinasabi rin niyang naging bigo pa ang giyera kontra droga na pigilan ang mga sindikato. 

Pero baka hanggang salita lang ang mga ito.  

Sa kabila kasi ng mga pang-aabuso at ng pagpapatuloy ng mga sindikato, hindi pa rin daw makikipagtulungan ang administrasyong Marcos, Jr sa International Criminal Court (o ICC). Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang ICC sa mga sinasabing “crimes against humanity” na bunga ng giyera kontra droga ni dating Pangulong Duterte. Minsan nang umapela ang kasalukuyang administrasyon sa ICC para sa mga desisyon nitong hindi paborable sa ating bansa. Nakiusap na rin itong ihinto ng ICC ang pag-iimbestiga.  

Ang gobyerno, ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ay may tinatawag na positive moral function. Isa itong instrumento upang itaguyod ang dignidad ng tao, protektahan ang mga karapatang pantao, at gawin ang lahat upang itaguyod ang kabutihang panlahat o common good. Sa pagganap sa tungkuling ito, tinutulungan ng gobyerno ang mga mamamayang gawin din ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang kapwa sa lipunang kinabibilangan nila.

Sa isyu ng giyera kontra droga, kung seryoso ang administrasyong Marcos Jr na gampanan ang positive moral function ng gobyerno, hindi kaya dapat magtugma ang mga sinasabi ng pangulo sa mga ginagawa at gagawin pa nitong mga hakbang?  

Kung itinataguyod nito ang dignidad ng mga Pilipino, hindi kaya dapat itong gumawa ng paraan upang magawaran ng katarungan ang mga kababayan nating pinagkaitan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa harap ng batas?  

Kung tunay na pinahahalagahan nito ang karapatang pantao, hindi kaya dapat itong tumulong sa mabilis na pagresolba sa mga kaso ng pang-aabuso at papanagutin ang mga nasa likod nito?  

Kung kabutihang panlahat ang layunin ng pamahalaan natin, hindi kaya dapat nitong panigan ang mga walang kalaban-laban sa karahasang ginawa at ginagawa ng mga awtoridad? 

Malaki ang magagawa ng kasalukuyang administrasyon upang maipakita nitong tunay na kumikiling ito sa taumbayang pinangakuan nitong paglingkuran. Malaki ang magagawa nito upang gawin ang ipinapaalala sa Mga Kawikaan 31:8-9 na ipagtanggol ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan, at igawad ang katarungan sa mga api. 

Gayunman, mga Kapanalig, hindi maiaalis ang mga pagdududa kung kaya ni PBBM na lampasan ang pamumulitika upang tunay na maging kakampi ang kanyang administrasyon ng mga biktima ng sinasabi nitong pang-aabuso sa ilalim ng giyera kontra droga. Kilos—higit sa salita—ang kailangan nating makita.   

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 23,428 total views

 23,428 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 29,652 total views

 29,652 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 38,345 total views

 38,345 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 53,113 total views

 53,113 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 60,234 total views

 60,234 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 23,429 total views

 23,429 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 29,653 total views

 29,653 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 38,346 total views

 38,346 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 53,114 total views

 53,114 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 60,235 total views

 60,235 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 46,414 total views

 46,414 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 46,186 total views

 46,186 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 45,887 total views

 45,887 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 38,221 total views

 38,221 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 77,801 total views

 77,801 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 85,355 total views

 85,355 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 81,238 total views

 81,238 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 92,785 total views

 92,785 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 96,892 total views

 96,892 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 73,789 total views

 73,789 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top