Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,968 total views

Umapela ng tulong ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan para sa pagbangon ng mga residente na labis ang pinsalang tinamo sa bagyong Odette.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, ito ang kauna-unahang pagkakataong naranasan ng mamamayan sa Palawan ang matinding bagyo na sumira sa kalikasan, istruktura at kabuhayan sa lalawigan.

Sinabi ng Obispo na kabilang sa mga kinakailangan ng mga taga-Palawan ang ‘shelter materials’ para sa mga nasirang bahay at maging ang mga kapilya sa mga komunidad.

“Grabe talaga ang pinsala doon sa Palawan lalo na sa Northern part, kailangan ngayon doon ang yero, semento at iba pang shelter materials. Ganundin para sa mga banca para matulungan na makabalik sa kanilang kabuhayan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batid ng Obispo ang hirap na naranasan ng mamamayan sa bansa na pinalala ng pandemya subalit umapela itong magtulungan para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo sa 500 kapilya ng mga simbahan sa Palawan, 150 ang lubhang napinsala nang manalasa ang bagyong Odette noong Disyembre.

Dagdag ng Opisyal, nagpapahirap din sa mamamayan sa Palawan ang pagkasira ng kabuhayan tulad ng mga banca na ginagamit sa pangingisda, pagkasira ng mga pananim at nagtumbahang mga punongkahoy gayundin ang bagsak na turismo dulot ng pandemya at kalamidad.

Ayon sa Obispo, nasa 170 mga banca ang nawasak ng bagyo kung saan malaking kawalan ito sa mamamayan sa Palawan dahil bukod sa pagsasaka, pangingisda rin ang isa sa pangunahing kabuhayan sa lugar.

Kaya’t apela ng Obispo na matulungang maibalik ang kabuhayan upang makabangon ang mamamayan sa epekto ng kalamidad.

Sa pagtaya ni Bishop Pabillo nasa 30-libong piso ang halaga ng isang motorized banca na kayang sumakay ang tatlong katao para sa pangingisda.

Tiniyak din ng Obispo ang patuloy na pagkilos ng Bikaryato sa pangunguna ng Social Action Center para mamahagi ng pangunahing tulong tulad ng pagkain, tubig, damit at maging hygiene kits.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring via Gcash sa 0927-033-7609 sa Account Name na Broderick Pabillo.

Maaaring sa pamamagitan ng sumusunod na BPI Accounts para sa General Donations –
Account Name: VICAR APOSTOLIC OF THE VICARIATE OF TAYTAY INC.
Account Number: 008873-0927-78;

Para sa vocation –
Account Name: VICAR APOSTOLIC OF THE VICARIATE OF TAYTAY INC. – VOCATION
Account Number: 008873-0927-51;

Para naman sa communication –
Account Name: VICAR APOSTOLIC OF THE VICARIATE OF TAYTAY INC. – COMMUNICATION
Account Number: 008873-0927-43.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 66,638 total views

 66,638 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 66,638 total views

 66,638 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 66,638 total views

 66,638 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 64,597 total views

 64,597 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 59,046 total views

 59,046 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top