Archbishop Capalla, kinilalang Peace Warrior

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 880 total reads

Kinilala sa kauna-unahang Rotary Peace Award ang ilang piling indibidwal na nagpamalas ng malaking ambag sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakasundo na tinaguriang mga Peace Warriors.

Isa sa mga kinilala at ginawaran ng parangal ay si Davao Archbishop Emeritus Fernando R. Capalla, D.D. na tinaguriang “Man of Dialogue” dahil sa pagiging kilalang tagapagsulong ng inter-religious dialogue, ecumenism at peace dialogue sa Mindanao sa pagitan ng mga Katoliko, Muslim, Buddhists at maging sa mga Lumad.

Si Archbishop Capalla ang ikatlong Arsobispo ng Archdiocese of Davao na nagsilbi sa loob ng 16 na taon mula November 6, 1996 bago nagretiro noong February 11, 2012 kung saan tinutukan nito sa kanyang pastoral and spiritual leadership sa arkideyosesis ang peace and interreligious dialogues sa Mindanao.

Bukod sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa Mindanao, ilang beses rin naitalaga si Archbishop Capalla upang maging bahagi ng mga samahang nagsusulong ng kapayapaan.

Taong 1992 ng itinalaga si Archbishop Capalla ni Former President Fidel V. Ramos bilang Vice Chairman ng National Unification Commission; taong 2007 naman ng mabuo ang BUC-AFP-PNP Forum for Peace (BAPFP) na isang samahang kasapi ng National Peace Commission sa ilalim ng administrasyong Estrada at Presidential Council on Values Formation (PCVF) na nasa ilalim naman ng administrasyong Arroyo kung saan siya nagsilbing bilang co-founder at co-convener ng samahan.

Dahil sa naging malaking ambag at puspusang pagsusulong ng arsobispo sa pagkamit ng kapayapaan sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang ay ilang mga parangal at pagkilala na rin ang kanyang natanggap kabilang na ang San Lorenzo Ruiz National Peace Award at Peace Champion in Mindanao mula sa United Nation Development and Peace Commission.

Bukod kay Archbishop Capalla ginawaran rin ng pagkilala sa Gawad Akap Peace Awards sina Labor Secretary Silvestre Bello lll, Mr. Mohagher Iqbal at former Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza.

Inilunsad noong Setyembre ng nakalipas na taong 2018 ang Gawad Akap Peace Awards na kauna-unahang Rotary Peace Award ng Rotary International District 3830.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,912 total reads

 72,912 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,839 total reads

 120,839 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,710 total reads

 168,710 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,657 total reads

 272,657 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,340 total reads

 355,340 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top