Archbishop Palma, umaasang payagan ng Vatican na hatiin sa tatlo ang Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,262 total views

Umaasa si Cebu Archbishop Jose Palma na katigan ng Vatican ang kahilingang hatiin ang arkidiyosesis upang higit na makapaglilingkod sa mananampalataya.

Nakatakdang ilalahad ng arsobispo ang planong paghahati sa pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Hulyo na gaganapin sa Aklan.

“During our assembly (CBCP), I will have the time to present the proposal. There are various aspects of the proposal,” pahayag ni Archbishop Palma.

Pagbabahagi ni Archbishop Palma kasalukuyang nagsasagawa ng konsultasyon ng arkidiyosesis sa mga pari at mananampalataya hinggil sa usapin upang higit na maunawaan ng tao ang kahalagahan nito lalo na sa kanilang komunidad.

Sa mungkahi ng archdiocese hahatiin ito sa tatlo, ang Archdiocese bilang Mother Church, isang diocese sa Northern Cebu at isa naman sa Southern Cebu.

“This plan aims to serve more people, especially the far-flung areas and islands in the province,” ani ng arsobispo sa Radio Veritas.

Sinabi pa nitong tinitingnan ang Carcar City bilang sentro sa itatag na diyosesis sa Southern part habang pinagpipilian naman ang Danao City at Bogo City sa Northern Cebu.

Ang proyektong ‘Sugbuswak’ ay layong mapaigting ang misyon ng simbahan na paglingkuran ang mananampalataya lalo’t ang arkidiyosesis ang pinakamalaki sa bansa na may halos limang milyong katoliko na pinangangasiwaan ni Archbishop Palma katuwang sina Auxiliary Bishops Midyphil Billones at Ruben Labajo gayundin ang mga retiradong sina Bishops Emilio Bataclan at Antonio Ranola.

Katuwang din ng mga obispo sa pagpapastol sa Cebu ang 600 mga pari kung saan 400 dito ay diocesan habang mahigit sa 200 ay relihiyoso.

Sa Enero ng susunod na taon inaasahang isusumite sa Vatican ang balangkas ng planong paghahati sa arkidiyosesis upang mapag-aralan at aprubahan ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 9,176 total views

 9,175 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 37,181 total views

 37,180 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,980 total views

 54,980 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,588 total views

 54,588 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,536 total views

 166,536 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 6,999 total views

 6,999 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top