Pagturing kay Hesus na “good luck charm”, isang baluktot na pananampalataya-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,869 total reads

Binibigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang tunay na pananampalataya kay Kristo ay hindi dapat nakabatay sa pansariling pakinabang kundi sa pag-ibig at pagsunod.

Sa kanyang homiliya sa isinagawang banal na misa sa Esplanade of Saurimo nitong April 20 na bahagi ng kanyang Apostolic Journey, sinabi ng Santo Papa na mahalagang suriin ng bawat mananampalataya ang tunay na dahilan ng paghahanap kay Hesus.

“The Lord looks into our heart and asks us whether we seek him out of gratitude or for our own self-interest, with calculation or with love,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng pastol na nagiging baluktot ang pananampalataya kapag si Kristo ay itinuturing lamang bilang tagapagbigay ng biyaya o “good luck charm,” sa halip na Panginoon na dapat sundan at tularan.

“Christ calls us to freedom: he does not want servants or clients, rather he seeks brothers and sisters,” aniya.

Hinimok din ng Santo Papa ang mga mananampalataya na hanapin ang mas mataas na layunin ng buhay espirituwal na tumutukoy sa mas malalim na kahulugan ng Eukaristiya bilang tinapay ng buhay na walang hanggan.

“Do not work for the food that perishes, but for the food that endures for eternal life,” ani ng Santo Papa.

Sa gitna ng umiiral na kawalang-katarungan at kahirapan sa mundo, iginiit ni Pope Leo XIV na patuloy na kumikilos si Kristo upang itaas ang tao mula sa pagdurusa.

“Christ lives! He is our Redeemer… This is the faith that saves life!” giit ng punong pastol.
Dagdag pa ni Pope Leo na ang pagkabuhay na muli ni Kristo ay hindi lamang panghinaharap kundi nararanasan sa araw-araw at nananagawang isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang kahalagahan ng sama-samang paglalakbay ng Simbahan bilang “synod of resurrection and hope,” kung saan ang pananampalataya ay naipapakita hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Apela ni Pope Leo XIV sa sambayanan ng Angola na manatiling tapat sa kanilang pananampalatayang Kristiyano.

“Remain faithful to your Christian roots… [so you may] contribute… to the building up of justice and peace,” ani Pope Leo XIV.

Nilinaw ng pinuno ng mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo sa kanyang mensahe na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng pusong malaya sa pansariling interes, bukas sa pag-ibig, at handang maglingkod para sa kapwa at sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 210,275 total reads

 210,275 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,948 total reads

 244,948 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,848 total reads

 260,848 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 297,338 total reads

 297,338 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,445 total reads

 303,445 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top