Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

bike

Arsobispo, nagpapasalamat sa mga nakiisa sa 500KM virtual bike challenge

SHARE THE TRUTH

 203 total views

Opisyal ng nagtapos ang programang 500km [kilometers] for 500 Years Virtual Bike Challenge ng Archdiocese of Caceres.

Sa mensahe ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa naganap na Culminating Activity ng 500km for 500 Years Virtual Bike Challenge ay nagpaabot ng pasasalamat ang Arsobispo sa lahat ng mga nakilahok at nakiisa upang maging matagumpay ang nasabing programa na bahagi ng paggunita ng arkidiyosesis sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas

“I am amazed and really delighted by the success of this wonderful project we have for the 500 Years of Christianity, itong ating 500-kilometers and I am really amazed na so many have participated and have succeeded in reaching the goal of 500-kilometers.” mensahe ni Archbishop Tirona.

Nagsimula ang Virtual Bike Challenge noong ika-20 ng Marso at nagtapos ngayong ika-22 ng Mayo kung saan may mahigit dalawang buwan ang mga kalahok na matapos at maabot ang 500-kilometro o 250-kilometro na distansya ng napiling kategorya kasabay ng pagbisita at pananalangin sa kahit isa sa mga parokya o pilgrim churches na itatalaga ng mga diyosesis sa pangangalaga ni San Jose.

[smartslider3 slider=21]

Ayon kay Archbishop Tirona, bukod sa pagpapabuti ng kalusugan ng katawan layunin rin ng gawain na gunitain ang “Year of Missio Ad Gentes” na nangangahulugan ng paglalakbay patungo sa landas ng Panginoon.

“Be always Intimate and Involve in the mind and in the works of God and Keep Exercising kailangan natin yan but not just Keep Exercising but Keep Evangelizing, because the concept of our 500-kilometers in not just to purely exercise but we do so because we are driven by our faith, we are driven by our belief that all of us no matter what sort of means or vehicles we are journeying towards our eternal home. So while on this life let us be enthusiastic, energetic, let us be full of faith and let us keep on proclaiming and evangelizing our people.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Pagbabahagi pa ng Arsobispo, layunin rin ng 500km for 500 Years Virtual Bike Challenge na makapangalap ng pondo para sa mga gawain ng arkidiyosesis hindi lamang para sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa kundi maging sa paggunita ng Year of Missio Ad Gentes at Year of St. Joseph ngayong taon.

Bukod sa pagpapasalamat sa lahat ng mga mananampalatayang nakilahok sa Virtual Bike Challenge ay nagpaabot rin ng pasasalamat si Archbishop Tirona sa Archdiocese of Caceres Office for Mission and Evangelization, Commission on Communications and the Holy Rosary Preparatory Seminary ng arkidiyosesis na nangasiwa sa gawain.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 10,718 total views

 10,718 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 22,201 total views

 22,201 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 37,890 total views

 37,890 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 38,633 total views

 38,633 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 48,182 total views

 48,182 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 7,141 total views

 7,141 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top