vaccine

3.5-bilyong COVID-19 vaccine, ibibigay sa mga mahihirap na bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total reads

Nangakong maglalaan ng 3.5-bilyong COVID-19 vaccine ang mga kumpanyang Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson para sa mga mahihirap na bansang hirap makakuha o makabili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa isinagawang G20 Health Summit, sinabi ng tatlong kumpanya na maglalaan ito ng vaccines sa mga mahihirap na bansa at ipagbebenta sa murang halaga.

Magpapadala ng dalawang bilyong doses ng vaccine ang kumpanyang Pfizer, kabilang na rito ang isang bilyong doses ngayong taon; habang ang Moderna naman ay maglaan ng nasa 95 milyong doses ngayong taon at nasa 900 milyon naman para sa taong 2022.

Mayroon namang kasunduan ang Johnson & Johnson sa COVAX na maglalaan ito ng hanggang 200 milyong doses ng vaccine ngayong taon at tinalakay ang pagdaragdag pa ng 300 milyong doses, kung saan 500 milyong doses na ang kabuuang mailalaan ng nasabing kumpanya.

Kaugnay nito’y nauna nang nakapaglaan ng 100 milyong vaccines ang European Union para sa mga mahihirap na bansa sa buong mundo.

[smartslider3 slider=21]

Samantala, dito naman sa Pilipinas ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga donated Pfizer BioNTech COVID-19 vaccines ay ilalaan sa mga mahihirap na komunidad.

Sang-ayon ito sa inilatag na kondisyon sa global aid COVAX facility na pinagmulan ng 193,050 doses ng nasabing vaccines.

Batay sa pagsusuri ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), ang Pfizer-BioNTech ay may efficacy rate na 95-porsyento sa study population at 92-porsyento naman sa across all races.

Sa panig naman ng Simbahang Katolika, nauna na nitong panawagan na nawa’y unahin at pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga mahihirap upang mabigyan ng suporta at maibilang sa mga libreng makakatanggap ng COVID-19 vaccine para maging ligtas sa banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 97,636 total reads

 97,636 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 174,632 total reads

 174,632 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 208,080 total reads

 208,080 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 243,380 total reads

 243,380 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 466,148 total reads

 466,148 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,324 total reads

 158,324 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top