200 total views
Opisyal ng nagtapos ang programang 500km [kilometers] for 500 Years Virtual Bike Challenge ng Archdiocese of Caceres.
Sa mensahe ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa naganap na Culminating Activity ng 500km for 500 Years Virtual Bike Challenge ay nagpaabot ng pasasalamat ang Arsobispo sa lahat ng mga nakilahok at nakiisa upang maging matagumpay ang nasabing programa na bahagi ng paggunita ng arkidiyosesis sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas
“I am amazed and really delighted by the success of this wonderful project we have for the 500 Years of Christianity, itong ating 500-kilometers and I am really amazed na so many have participated and have succeeded in reaching the goal of 500-kilometers.” mensahe ni Archbishop Tirona.
Nagsimula ang Virtual Bike Challenge noong ika-20 ng Marso at nagtapos ngayong ika-22 ng Mayo kung saan may mahigit dalawang buwan ang mga kalahok na matapos at maabot ang 500-kilometro o 250-kilometro na distansya ng napiling kategorya kasabay ng pagbisita at pananalangin sa kahit isa sa mga parokya o pilgrim churches na itatalaga ng mga diyosesis sa pangangalaga ni San Jose.
Ayon kay Archbishop Tirona, bukod sa pagpapabuti ng kalusugan ng katawan layunin rin ng gawain na gunitain ang “Year of Missio Ad Gentes” na nangangahulugan ng paglalakbay patungo sa landas ng Panginoon.
“Be always Intimate and Involve in the mind and in the works of God and Keep Exercising kailangan natin yan but not just Keep Exercising but Keep Evangelizing, because the concept of our 500-kilometers in not just to purely exercise but we do so because we are driven by our faith, we are driven by our belief that all of us no matter what sort of means or vehicles we are journeying towards our eternal home. So while on this life let us be enthusiastic, energetic, let us be full of faith and let us keep on proclaiming and evangelizing our people.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.
Pagbabahagi pa ng Arsobispo, layunin rin ng 500km for 500 Years Virtual Bike Challenge na makapangalap ng pondo para sa mga gawain ng arkidiyosesis hindi lamang para sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa kundi maging sa paggunita ng Year of Missio Ad Gentes at Year of St. Joseph ngayong taon.
Bukod sa pagpapasalamat sa lahat ng mga mananampalatayang nakilahok sa Virtual Bike Challenge ay nagpaabot rin ng pasasalamat si Archbishop Tirona sa Archdiocese of Caceres Office for Mission and Evangelization, Commission on Communications and the Holy Rosary Preparatory Seminary ng arkidiyosesis na nangasiwa sa gawain.