Mamamayan ng Naga, hinimok ng simbahan na magpabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total reads

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Naga at ng Archdiocese of Caceres ang mamamayan sa probinsya na magpabakuna bilang proteksyon laban sa COVID-19 virus.

Sa pamamagitan ng isang video na may habang 1 minuto na nasa salitang Bikolano ay binigyang diin ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona at Naga City Mayor Son Legacion ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Obispo, ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay hindi lamang isang proteksyon para sa sarili kundi isa ring obligasyon para sa kapakanan ng kapwa.

Paliwanag pa ni Archbishop Tirona, isa rin itong paraan upang magpakita ng higit na pagpapahalaga sa buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“Sa aking mga kapatid kay Kristo! Kamusta po kayo, ito po si Bishop Roly kasama si Mayor Son Legacion. Inaanyayaan ko kayo na makilahok sa programa ng gobyerno na magpabakuna contra COVID-19. Ito ay ating obligasyon sa ating kapwa at pagpapahalaga sa buhay na binigay sa atin ng Diyos.” paanyaya ni Archbishop Tirona.

Samantala, isinusulong naman ng alkalde ang online vaccine registration sa probinsya para sa mas mabilis at mas ligtas na pagpapatala upang makapagpabakuna.

Matatanggang natanggap ni Archbishop Tirona kasama ng may 349 na mga senior citizens sa Naga ang unang dose ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 noong ika-12 ng Mayo sa ilalim ng Anti Covid19 Vaccination Roll Out Program ng lokal na pamahalaan sa Naga City.

Una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang buong suporta ng Simbahang Katolika sa Anti Covid19 Vaccination Roll Out Program ng pamahalaan na naglalayong maprotektahan ang sarili at kapwa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 95,468 total reads

 95,468 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,552 total reads

 172,552 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,000 total reads

 206,000 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 241,300 total reads

 241,300 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 464,129 total reads

 464,129 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top