VeritasPH

The Word, The Truth

LGUs, simbahan at pribadong sektor, pinatatag ang ugnayan upang manatiling COVID free ang Batanes

SHARE THE TRUTH

 303 total views

Puspusan ang isinasagawang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Batanes katuwang ang iba’t ibang sektor sa probinsya kabilang na ang Simbahan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan mula sa COVID-19 kung saan nananatiling COVID-Free ang Batanes magpahanggang sa ngayon.

Sa pamamagitan ng Provincial COVID-19 Task Group na binuo ay puspusan ang isinasagawang pagpaplano ng iba’t ibang sektor sa probinsya kung papaanong epektibong maisasagawa ang vaccination roll-out program sa Batanes.

Ayon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mas epektibong mapagplanuhan ang mga dapat gawing hakbang para sa kapakanan ng mga mamamayan sa probinsya.

Nagpapasalamat rin ang Obispo sa pagkakapabilang ng Simbahan sa naturang Provincial COVID-19 Task Group bilang katuwang ng lokal na pamahalaan at ng iba pang sektor sa paghahanap ng solusyon upang ganap na mapagtagumpayan ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

PSD Toktok

“Thankfully the governor also include the church sector and that’s why I was taking in as a member of the task group and I think it’s just also important that the government sees the church as a partner in this collaborative effort to look for ways and means on how to deal with this problem, in this crisis and sana naman kahit papaano we in the church could really offer and contribute in whatever way we can in this on-going fight against the crisis of the pandemic”.pahayag ni Bishop Ulep sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Ulep, kabilang sa mga tinatalakay ng Provincial COVID-19 Task Group ay ang epektibo at mas malawak na pagbabahagi ng mga naaangkop na impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa mamamayan.

Ipinaliwanag ng Obispo na tulad ng problema sa ibang mga lugar sa bansa ay ilang residente pa rin ang may pag-aalinlangan na magpabakuna sa Batanes.

“So what we discussed basically [is] how to improve further the vaccination of the identified groups to be vaccinated and especially we’ll like the other areas in the rest of the country a few are still hesitant but we are hopeful that they will finally be convinced of taking the vaccine.” Dagdag pa ni Bishop Ulep.

Sinabi ni Bishop Ulep na tuloy ang plano ng task force bagamat nasa 90-porsyento na ng mga frontliners ang nabakunahan at kasalukuyan ng ibinabahagi ang vaccine roll-out program para sa mga senior citizen sa probinsya.

Ayon sa Obispo, mula ng magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas ay nakapagtala lamang ng 10-kaso ng sakit ang probinsya ng Batanes kung saan sa loob ng mahigit 2 buwan ay wala na muling kasong naitala dahilan upang ideklarang COVID-Free ang probinsya.

“Well since the start of the pandemic naka-sampung kaso kami but thank God everybody now has recovered and for mga 2-month na we have no cases anymore so officially we are COVID-Free.” Ayon pa kay Bishop Ulep.

Binubuo ang nasabing Provincial COVID-19 Task Group ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Governor Marilou Cayco, mga kinatawan mula sa mga pambansang ahensya na nangangasiwa sa pagsugpo at epekto ng COVID-19 kabilang na ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, mga non-government organization, pribadong sektor at ng Simbahang Katolika sa pangunguna ni Batanes Bishop Danilo Ulep.

Batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa mahigit 17-libo ang bilang ng populasyon sa Batanes kung saan target ng Provincial COVID-19 Task Group na mabakunahan ang nasa 14-libong indibidwal upang makamit ng probinsya ang herd immunity mula sa COVID-19.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,159 total views

 5,159 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,144 total views

 13,144 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 20,680 total views

 20,680 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 36,666 total views

 36,666 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 44,710 total views

 44,710 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 4,957 total views

 4,957 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 5,136 total views

 5,136 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 4,661 total views

 4,661 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 9,181 total views

 9,181 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 10,030 total views

 10,030 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 10,384 total views

 10,384 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 24,437 total views

 24,437 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 10,524 total views

 10,524 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 10,500 total views

 10,500 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 17,298 total views

 17,298 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 16,414 total views

 16,414 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 11,631 total views

 11,631 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 20,885 total views

 20,885 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

Inisyatibo ng mga layko laban sa divorce, pinuri ng opisyal ng CBCP

 21,857 total views

 21,857 total views Kinilala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap at inisyatibo ng may layko na pangunahan ang pagsusulong sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Inihayag ito ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocations sa paglulunsad ng Super Coalition Against

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 15,930 total views

 15,930 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top