Military Ordinariate of the Philippines, hinimok ang mga pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa na hingin ang gabay ng Espiritu Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Tiniyak ng pinuno ng Military Ordinariate of the Philippines na patuloy ginagabayan ng Panginoon ang sanlibutan sa iba’t ibang hamong kinakaharap.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio tinupad ni Hesus ang habilin nitong ipapadala ang Banal na Espiritu na magsisilbing gabay ng sangkatauhan.

“The Holy Spirit will enlighten us, ito ang magbibigay liwanag sa ating landas lalong lalo na sa pagtahak natin nitong COVID 19 crisis,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pagninilay ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes ang ika – 50 araw mula sa Linggo ng Muling Pagkabuhay at pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol.

[smartslider3 slider=21]

Itinuring ni Bishop Florencio na kalakasan ng simbahan ang Banal na Espiritu na nanatiling gabay sa paglalakbay kung saan tinaguriang kaarawan ng simbahan ang nasabing pagdiriwang.

Hamon ng obispo sa mananampalatayang pinanghihinaan dahil sa pandemya na hingin ang paggabay ng Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang lumakas at tumibay ang tumatamlay na pananampalataya.

Batay sa tala ng World Health Organization mahigit 264 milyong indibidwal sa buong mundo ang nakararanas ng depresyon na pinalubha pa ng pandemya kung saan halos 85 porsyento rito ang hindi natutugunan dahil sa kakulangan ng access sa pagpapagamot.

Paliwanag pa ng obispo bagamat walang katiyakan na manumbalik sa normal ang lipunan, nakatitiyak naman itong may liwanag na hatid ang Banal na Espiritu na tatanglaw sa mamamayan.

Hinikayat din nito ang bawat isa na harapin ang mga pagsubok at makiisa sa paghihirap ng simbahan tulad ng mga halimbawa na ipinakita ni Hesus sapagkat ito ang magpapatibay sa pananampalataya ng bawat isa.

“The more sacrifices, the more sufferings that we have ang pananampalataya natin ay tumitindi at lumalago because the Holy Spirit helps us in purification,” ani Bishop Florencio.

Inaanyayahan ni Bishop Florencio ang mananampalataya na dumalo sa Banal na Misa sa Linggo ng Pentekostes sa simbahan para sa mga pinahihintulutang makadalo sa 30 porsyentong kapasidad ng simbahan kasabay ang paalala na sundin ang safety health measures upang makaiwas sa pagkahawa.

Sa mga hindi makadadalo ng pisikal sa Banal na Misa ay hinikayat na makiisa sa online livestreaming sa mga social media pages ng bawat parokya.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,308 total reads

 19,308 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,950 total reads

 19,950 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,965 total reads

 37,965 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 75,343 total reads

 75,343 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 106,611 total reads

 106,611 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 181,463 total reads

 181,463 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 273,795 total reads

 273,795 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,310 total reads

 19,310 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top