Ash Wednesday, hudyat ng pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Ipinaalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na ang Miyerkules ng Abo na hudyat ng pagsisimula ng kwaresma ay panawagan ng pagbabago, tulad sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si na ecological conversion.

Paliwanag ng Obispo, ang pagkukulang, pag-abuso at kapabayaan ng tao sa kalikasan ay mga kasalanang dapat aminin at pagsisihan.

Kasabay ng pag-amin at pagsisisi, binigyang diin ng Obispo na mahalaga din ang pagbabago ng pag-uugali at gawi ng pamumuhay upang maramdaman ng mga tao ang kanilang kaugnayan sa kapwa at sa kalikasan na nilikha ng Panginoon.

“Ang Ash Wednesday ay panawagan ng pagbabago, at yan din ang panawagan ng Laudato Si, Ecological Conversion. Pangalawa ang panawagan ng Ash Wednesday o ng Lent ay ang pagsisisi, ibig sabihin aminin natin ang ating mga pagkukulang upang magkaroon ng pagbabago, at dito sa kalikasan malaki ang pagkukulang natin. Sinabi ni Pope Francis ang pag-abuso at kapabayaan sa kalikasan ay isang kasalanan, kasi may relasyon din tayo sa kalikasan na gawa ng ating ama. Kaya’t dito dapat aminin sana natin ang ating mga pagkukulang at ihingi ng tawad.” Pahayag ni Bp. Pabillo sa Radyo Veritas.

Samantala, hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na mangilin o magtimpi, bilang bahagi ng mga dapat gampanan ng isang katoliko tuwing panahon ng kwaresma.
Hinikayat ni Bishop Pabillo ang mga Katoliko na bawasan ang pagkain ng mga karne o ang tinatawag na red meat bilang pag-sasakripisyo at sa halip ay kumain na lamang ng mga isda at gulay.

Ayon pa sa Obispo, bukod sa pangingilin ay makabubuti din ito sa kalusugan ng mga tao at sa kalikasan dahil ang sobrang pagkain ng mga karne ay nakapagdudulot ng iba’t-ibang karamdaman sa katawan ng tao.

Bukod dito, maiiwasan din ayon sa Obispo na makapasok sa katawan ng tao ang mga Genetically Modified Organisms na karaniwang ipinakakain sa mga baboy at baka.

“Kaya isang magagawa natin, sana bawasan natin ang pagkain ng karne, ng meat. Ito ay mabuti sa ating katawan, kalusugan, at ito’y mabuti sa kapaligiran, at hindi lang yan, yung mga GMO na pinapakain sa mga baka, sa mga baboy, yan din ay kinakaian natin. Kaya yung mga genetically modified organisms ay pumapasok din sa atin sa pamamagitan ng kinakain natin na mga karne. Kaya kung babawasan natin yan ay makakatulong tayo sa kalikasan at makakatulong tayo sa ating kalusugan.” Dagdag pa ng Obispo.

Una nang isinulong ng himpilan ng Radyo Veritas ang No Meat Friday upang mabawasan ang nakasanayang dami ng pagkonsumo ng tao sa red meat na nakasasama sa kalusugan at sa kalikasan.

Ngayong taon inaasahan na ang 86 na porsyento ng populasyon sa Pilipinas ay makikiisa sa pagsisimula ng panahon ng kwaresma.

Kaugnay dito, inaanyayahan naman ng Radyo Veritas ang mga mananampalataya na dumalo bukas sa Banal na Misa para sa Miyerkules ng Abo, ganap na alas dose ng tanghali, na pangungunahan din ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,546 total reads

 47,546 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,309 total reads

 127,309 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,756 total reads

 160,756 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,054 total reads

 196,054 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,760 total reads

 420,760 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,585 total reads

 37,585 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,474 total reads

 30,474 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top