Austerity measures, ipinatupad ng Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 130 total views

Naglabas ng pastoral advisory si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo para sa kaparian ng diyosesis kaugnay ng nararanasang krisis na dulot ng patuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

Sa liham sirkular na ipinadala sa lahat ng mga pari ng Diyosesis ng Kidapawan, hinikayat ng Obispo ang pagkakaisa ng Simbahan lalo na sa panahon ng Mahal na Araw, kasabay ng panawagan na pagnilayan ang paghihirap ng Panginoon at ang kalagayan ng mamamayan.

“This also urgently calls us to consciously reflect, pray and do something about the great difficulty and hardships that we and our people experience,” Bahagi ng liham sirkular ni Bishop Bagaforo.

Bilang pakikiisa sa mga apektado ng krisis, inilatag ni Bishop Bagaforo na siya ring Co-President ng Pax Christi International ang ilang konkretong hakbang ng diyosesis para sa Simbahan, kabilang ang pagpapatupad ng austerity measures.

“Austerity measures: Please minimize expenses and reduce fuel consumptions,” Dagdag pa ni ni Bishop Bagaforo.

Pinayuhan din ni Bishop Bagaforo ang mga Pari na ipagpaliban ang mga hindi agarang gastusin at maging sensitibo sa kakayahang pinansyal ng mga mananampalataya.

“Take on hold all extraordinary or capital expenses and be extra sensitive to our people’s economic situation,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Hinihikayat din ng Obispo ang mga parokya na maglunsad ng mga programa para sa mahihirap tulad ng feeding programs, relief assistance, at community pantry, gamit ang pondo mula sa Alay Kapwa.

“Please take the initiative to have programs for the poor… Let us extend help, lighten burdens, and give hope to our people,” Panawagan ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo ang tungkulin ng mga Pari bilang mga pastol ng kawan, na tinatawag na maglingkod at magbigay pag-asa sa gitna ng mga pagsubok sa lipunan.

Samantala, ipinanalangin din ng Obispo ang paggabay ng Mahal na Birhen sa lahat ng mananampalataya sa gitna ng mga hamon kinahaharap ng daigdaig.

Inaasahang mananatili ang nasabing pastoral advisory hanggang sa bumuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na kasalukuyang naaapektuhan ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 780 total views

 780 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 780 total views

 780 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 780 total views

 780 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 767 total views

 767 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 693 total views

 693 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top