AVOSA, nagpapasalamat sa mga nakiisa sa anti-COVID 19 vaccination program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 938 total reads

Hinimok ng mga opisyal ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang mamamayan ng United Arab Emirates kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers na makiisa sa vaccination program ng bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Rommel Pangilinan, social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi, sinabi nitong hinikayat ni Filipino priest at AVOSA Vicar General Fr. Troy Delos Santos ang mananampalataya na magpabakuna kontra coronavirus.

“Si Fr. Troy [Delos Santos] ay very encouraging sa mga parishioners sa vaccination program para sa proteksyon ng bawat isa,” pahayag ni Pangilinan.

Nagtulungan ang Saint Joseph Cathedral ng Abu Dhabi at SEHA hospital para mabakunahan ang mananampalataya sa lugar kung saan humigit kumulang sa 7, 000 katao ang tumanggap ng Sinopharm vaccine sa dalawang araw na libreng pagbabakuha na ginawa sa simbahan.

Una nang hinikayat ni AVOSA Apostolic Vicar Bishop Paul Hinder ang mamamayan ng U-A-E na suportahan at makiisa sa vaccination program.

Pinasalamatan ng Obispo ang mga lider ng bansa sa inisyatibong maglunsad ng programang portektahan ang mamamayan laban sa nakahahawang virus.

Bagamat may agam-agam si Pangilinan at iba pang mamamayan sa lugar hinggil sa bakuna, ipinagkatiwala naman nito sa Diyos ang bisa ng gamot.

“Very hesitant talaga akong magpabakuna, since ipinagdasal ko naman itong vaccine somehow bigay din siguro ito ni Lord; para sa proteksyon sa sarili ko at sa mga katrabaho ko,” ani Pangilinan.

Sa tala ng health ministry ng UAE nasa 263, 729 ang kumpirmadong kaso ngunit sampung porsyento lamang nito ang aktibo o katumbas sa 27-libong kaso lamang. (with reports: Rommel Pangilinan)

COMELEC, Tatalima sa Batas

 21,316 total reads

 21,316 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 5,625 total reads

 5,625 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 43,851 total reads

 43,851 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 145,673 total reads

 145,673 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 186,231 total reads

 186,231 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 206,480 total reads

 206,480 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top