Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Awit para sa Paminggalang Pampamayanan (Community Pantry) | Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II

SHARE THE TRUTH

 177 total views

ila magpapasko, presko at mahangin ang panahon noong Lunes ng umaga dito sa Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima sa Valenzuela.

Natutuwa ako noon sa napakabuting balita ng paglaganap nitong tinaguriang mga “community pantry” na nagsimula sa kalye Maginhawa sa Quezon City noong a-kinse lang ng Abril. Wala pang isang linggo ay kumalat na sa buong kapuluan ang kilusan na kung isasalin sa ating sariling wika ay “paminggalang pampamayanan”.

Sa mga kagaya ko na inabot ang singko sentimos na de bote ng Cosmos, bago dumating ang pridyider ay paminggalan ang puntahan ng lahat lalo na sa bahay na matanda kung saan nakatira ang mga impo at lola.

At ang turo sa aming mga bata noon, maaring kumuha ng pagkain sa paminggalan pero huwag uubusan ang ibang kasama sa tahanan.

Higit sa lahat, magsabi lagi upang mapalitan o mapunan sakaling mauubusan lalo na ng kape at asukal.

Kaya naman napakagandang makitang muli itong mga paminggalan hindi na sa tahanan kungdi sa lansangan na tila baga bawat pamayanan naging isang malaking pamilya pinamamayanihan ng pagkakapatiran.

Iyon ang pinaka-buod at kahulugan nitong mga paminggalang pampamayanan na siya rin namang ipinahayag ni Bb. Ana Patricia Non: hindi aniya ito pagkakawanggawa o “charity” kungdi pakikipagkapwa-tao o mutual aid upang matulungan ang bawat isang nangangailangan.

Sa Banal na Kasulatan ay ating natunghayan kamakailan paglalarawan ng pamumuhay ng mga unang Kristiyano:

At nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Mga Gawa ng Apostol 2:44-45

Larawan mula sa inquirer.net.

Isinaysay sa atin ni San Lucas ang naturang bahagi sa buhay ng mga unang Kristiyano upang muling mahimok sa atin ang pagkakapatiran, ang magising ating mga kaisipan at kamulatan na sa buhay hindi pinag-uusapan at batayan ang ano mang kakayahang gawin kungdi ang pagkakakilala sa bawat isa bilang ka-patid, ka-dugtong, at ka-putol. Alisin mo ang unlaping “ka”, ika’y patid at putol. Hiwalay at nag-iisa, walang karugtong.

Kapatiran, samahan ng magkakapatid, hindi ng mga gawain.

Kung babalikan natin yung tagpo matapos mag-ayuno at manalangin ang Panginoong Hesus sa ilang, ang unang panunukso sa kanya ng demonyo ay gawin niyang tinapay ang mga bato.

Ganyang-ganyan pa rin ginagawa ng diyablo at kanyang kampon sa ating panahon na ang palaging tanong ay “ano ba ang nagawa mo?” o “mayroon ka bang naambag?”: para sa kanila, pinakamahalaga yung nagagawa kesa makipag-kapwa.

Hindi nila batid na ang sino mang tunay sa pakikipag-kapwa, laging kasabay ang gumawa ng mabuti.

Kaya hindi rin kataka-taka sa kanila na ang mga addict at kriminal ay patayin dahil para sa kanila walang nagagawang mabuti mga ito sa lipunan.


Isang magandang pagkakataon itong pag-usbong 
ng maraming paminggalang pampamayanan 
na muli nating mapagtanto dangal ng bawat tao 
na dapat mahalin at igalang bilang larawan 
at wangis ng Diyos na lumikha sa tanan.

Larawan mula sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. sa kanilang “community pantry” sa Bocaue, Bulacan, 20 Abril 2021.

Isang magandang pagkakataon itong pag-usbong ng maraming paminggalang pampamayanan na muli nating mapagtanto dangal ng bawat tao na dapat mahalin at igalang bilang larawan at wangis ng Diyos na lumikha sa tanan.

Inyong pagmasdan, madalas mga taong mapagbilang at mapaghanap ng mga nagawa ay siya ring mga mapanaghili, binibilang mga gawain na tila lahat dapat tumbasan o mayroong kapalit.

At ang pinaka-masaklap, sila din yaong mga wala ring ginagawa, puro salita kaya sila’y katawa-tawa parang sirang plaka katulad ng kanilang pamumula at “red tagging” sa mga nasa likod ng paminggalang pampamayanan o community pantry.

Ayaw nila sa paminggalang pampamayanan dahil doon ang batayan ay pagtuturingan bilang magkakapatid; walang ganid at sakim, nasa isip palagi ang kapwa na maaring mas kawawa kaysa sarili.

Kaya heto ang aking awit na handog sa mga nagpasimuno at nagpapalaganap nitong community pantry.

Kasama na rin ang mga hindi naniniwala, namumula.

At, sumasalaula.

Humuhuni ang ibon
Nagsasayaw sa hangin
At laging masaya
Bakit kaya ang tao may isip at talino
Nalulungkot pa siya

Matutuhan lang ng bawat nilikha
Ang umibig sa tao't daigdig
Lungkot nila'y mapapawi ligaya'y ngingiti

Pagibig at pag-asa
Ang damdaming gigising sa taong mahimbing
Ang tunay na ligaya sa ating puso
Muling magniningning

Ikaw at ako
Hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat ay magkakapatid
(New Minstrels, 1980)


Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 7,161 total views

 7,161 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,642 total views

 14,642 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,782 total views

 27,782 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,755 total views

 33,755 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 39,509 total views

 39,509 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Restore us, O Lord

 301 total views

 301 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Sixteenth Week of Ordinary Time, Year II, 23 July 2024 Micah 7:14-15, 18-20 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 12:46-50 Photo by Ravi Kant on Pexels.com Restore us, O god our savior, and abandon your displeasure against

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

We are Mary Magdalene

 651 total views

 651 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Feast of St. Mary Magdalene, 22 July 2024 Song of Songs 3:1-4 <*{{{{>< + ><}}}}*> John 20:1-2, 11-18 “The Appearance of Christ to Mary Magdalene” painting by Alexander Ivanov (1834-1836) at the Russian Museum, St. Petersburg,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Rest is to be close with Jesus, close with others

 924 total views

 924 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Sixteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 21 July 2024 Jeremiah 23:1-6 ><}}}}*> Ephesians 2:13-18 ><}}}}*> Mark 6:30-34 Photo by author, Katmon Nature Sanctuary &Beach Resort, Infanta, Quezon March 2023. After being sent “two by two” last Sunday, the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Put life in order

 1,360 total views

 1,360 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Fifteenth Week of Ordinary Time, Year II, 19 July 2024 Isaiah 38:1-6, 21-22, 7-8 <*((((>< + ><))))*> Matthew 12:1-8 Photo by author, somewhere in Bgy. Kaysuyo, Alfonso, Cavite, 27 April 2024. When Hezekiah was

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

God, our dew of light

 1,356 total views

 1,356 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the Fifteenth Week of Ordinary Time, Year II, 18 July 2024 Isaiah 26: 7-9, 12, 16-19 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 11:28-30 Photo by Pixabay on Pexels.com Your words today, O God, are so refreshing that I

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

God has the whole world in His hands

 1,929 total views

 1,929 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Fifteenth Week of Ordinary Time, Year II, 17 July 2024 Isaiah 10:5-7, 13-16 ><))))*> + ><))))*> + ><))))*> Matthew11:25-27 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD in Infanta, Quezon 2020. Praise and glory to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Firm faith, firm self

 2,268 total views

 2,268 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of Our Lady of Mount Carmel, 16 July 2024 Isaiah 7:1-9 <*((((>< M+ ><))))*> Matthew 11:20-24 Photo by author, Holy Family Monastery of Our Lady of Carmel, Guiguinto, Bulacan 2019. Thank You, dear God our

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

“Bring me”…

 2,266 total views

 2,266 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Memorial of St. Bonaventure, Doctor of the Church, 15 July 2024 Isaiah 1:10-17 <*((((>< + ><))))*> Matthew 10:34-11:1 Photo from The Valenzuela Times, 02 July 2024. On this blessed Monday, your word “bring” invites me to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Travelling in Christ, with Christ

 2,837 total views

 2,837 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fifteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 14 July 2024 Amos 7:12-15 ><}}}*> Ephesians 1:3-24 ><}}}*> Mark 6:7-13 Photo by Jason Toevs on Pexels.com It is always easy to spot any flight back to Manila if you happen

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Words, words, words…

 3,526 total views

 3,526 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 12 July 2024 Hosea 14:2-10 <*[[[[><< + >><]]]]*> Matthew 10:16-23 Photo by Skitterphoto on Pexels.com Thus says the Lord: Return, O Israel, to the Lord, your God; you

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our hands, a gospel in themselves

 5,314 total views

 5,314 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Benedict, Abbott, 11 July 2024 Hosea 11:1-4, 8-9 <*[[[[>< + ><]]]]*> Matthew 10:7-15 Jesus said to his Apostles: “As you go, make this proclamation: ‘The kingdom of heaven is at hand.’ Cure the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

First we learn, then we are sent

 4,234 total views

 4,234 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 10 July 2024 Hosea 10:1-3, 7-8, 12 <*((((>< + ><))))*> Matthew 10:1-7 Photo by shy sol on Pexels.com Jesus summoned his Twelve disciples and gave them authority over unclean spirits

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Abundant harvest?

 3,315 total views

 3,315 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 09 July 2024 Hose 8:4-7, 11-13 ><))))*> + <*((((>< Matthew 9:32-38 Photo by Onnye on Pexels.com Then he said to his disciples, “The harvest is abundant but the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Blessedness of desert

 3,564 total views

 3,564 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 08 July 2024 Hosea 2:16,17-18, 21-22 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:18-26 Photo by Walid Ahmad on Pexels.com Thus says the Lord: I will allure her; I will lead

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our blessed failures

 4,542 total views

 4,542 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fourteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 07 July 2024 Ezekiel 2:2-5 ><}}}}*> 2 Corinthians 12:7-10 ><}}}}*> Mark 6:1-6 Photo by Mr. Gelo Carpio, Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan, January 2020. Last week’s readings clarified with us the

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top