Apostolic Administrator ng Vicariate of Occidental Mindoro, humiling ng panalangin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Palang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 717 total reads

Humiling panalangin si Ilagan Bishop David William Antonio para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro Bishop Emeritus Antonio Palang.

Pumanaw si Bishop Palang sa edad na 74 na taong gulang dahil sa cardiac arrest.

“We, in the Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, inform you of the demise of our dear Bishop Emeritus Most rev. Antonio Pepito Palang, SVD, D.D; Let us fervently pray for Bishop Palang’s eternal repose in God’s loving embrace,”mensahe ni Bishop Antonio sa Radio Veritas.

Batay sa impormasyong ibinahagi ni Bishop Antonio, ala 1:29 ng hapon nitong Abril 21, 2021 nang pumanaw si Bishop Palang sa cardiac arrest pagkatapos ng dialysis session sa Cebu Doctors Hospital sa Cebu City.

Magugunitang Marso 2018 nang tinanggap ni Pope Francis ang pagbitiw ni Bishop Palang bilang obispo ng bikaryato apat na taon bago maabot ang mandatory age retirement na 75 taong gulang.
Agad namang itinalaga ni Pope Francis noong 2018 si Bishop Antonio bilang obispong tagapangasiwa sa bikaryato hanggang sa kasalukuyan.

Si Bishop Palang na ipinanganak noong Hunyo 13, 1946 sa Consolacion Cebu ay inordinahang pari sa ilalim ng Society of the Divine Word noong Hulyo 8, 1972.

Hunyo 2000 nang italaga si Bishop Palang ni Pope John Paul II bilang paring tagapangasiwa ng Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro kasunod ng pagliban ni Bishop Vicente Manuel hanggang tuluyan na itong magbitiw noong Oktubre 2000.

Marso 2002 nang pormal na itinalagang obispo sa bikaryato habang Mayo 31, 2002 inordinahan at opisyal na iniluklok bilang bagong obispo ng Occidental Mindoro.

Bukod sa San Jose Occidental Mindoro nanatiling bakante ang Archdiocese ng Capiz, Diyosesis ng Alaminos at Malaybalay at ang Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 36,050 total reads

 36,050 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 75,223 total reads

 75,223 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 195,801 total reads

 195,801 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 246,159 total reads

 246,159 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 372,630 total reads

 372,630 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top