Suportahan ang renewable energy sa halip na coal fired power plants.hamon mg Obispo sa mga bangko.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,420 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Diocese of San Carlos sa pananawagan at pag-apela sa mga banko na tuluyan ng binatawan ang kanilang suporta sa mga kumpanyang nagsusulong ng coal-fired power plants na lubhang nakasisira sa kalikasan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa paggunita ng Earth Day 2021 ngayong araw.

Ayon sa Obispo, kaisa ng iba pang makakalikasang grupo sa buong daigdig ang Diyosesis ng San Carlos sa pananawagan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagwawaksi sa mga mapanirang industriya.

Hinamon ng Obispo ang mga opisyal ng bangko sa nakatakdang annual shareholder’s meetings ng local banks sa bansa na bumuo ng mga bagong paraan at polisiya upang maging coal-free at gamitin ang kanilang financial resources sa pagsuporta at pagpapalago ng industriya ng renewable energy sa bansa.

“We from Diocese of San Carlos join the rest of the world this #EarthDay by calling on our banks to #WithdrawFromCoal. We challenge them to bring this up during their annual shareholder’s meetings, come up with clear public policies to turn their portfolio coal-free, and use their financial resources to support clean and affordable renewable energy.”pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza, kasabay ng paggunita ng Earth Day 2021 ang pagsisimula rin ng annual shareholders’ meeting season ng local banks sa bansa na isang magandang pagkakataon upang maipaalala ang climate emergency at kanilang mahalagang papel na maprotektahan ang kalikasan.

“Today, April 22, 2021, marks both Earth Day 2021 and the start of annual shareholders’ meeting season of our local banks, beginning with BPI. We are reminded of the pressing need to address the climate emergency and the role our banks play in funding a major driver of climate change: coal. These 15 Philippine banks are contributing to our reliance on this deadly, costly, and destructive energy source by channeling billions of dollars into coal developers and projects around the country. ” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Kabilang sa 15 mga lokal na bangko na tinutukoy ng Bishop Alminaza at ng iba pang mga makakalikasang grupo ay ang BPI, BDO, Unibank, Metrobank, Securitybank, Asia United Bank, RCBC, UCPB, PNB – Philippine National Bank, Landbank Plaza, EastWest Bank, UnionBank of the Philippines, PBCOM, Development Bank of the Philippines, at Bank of Commerce China Bank PH.
Tema ng Earth Day 2021 ngayong taon ang “Restore Our Earth” na layong sulong ang agarang pagtugon sa climate emergency.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,720 total reads

 34,720 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,992 total reads

 65,992 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,765 total reads

 143,765 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,993 total reads

 237,993 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,181 total reads

 297,181 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,530 total reads

 22,530 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top