Mamamayan, binalaan ni Cardinal Advincula sa kumakalat na pekeng solicitation letter

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 748 total reads

Nagbabala si Archdiocese of Manila Archbishop-elect Jose Cardinal Advincula sa publiko kaugnay sa umiikot na pekeng solicitation letter mula sa Arkidiyosesis ng Capiz.

Batay sa nilalaman ng sulat, humihingi ito ng donasyon para sa installation ng Cardinal bilang bagong arsobispo ng Maynila.

Ayon kay Cardinal Advincula, wala itong batayan at malinaw na panloloko at pananamantala ang interes ng mga nasa likod ng naturang solicitation scam.

“This is Cardinal Advincula, I wish to notify the public that the letter bearing the signatures of a certain Fr. Allan Supilanas, Chancellor and of Bishop Pabillo soliciting donations for my installation as Archbishop of Manila is FAKE,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon sa pamunuan ng Manila Cathedral at Archdiocese of Manila, hindi ito humihingi ng anumang donasyon para sa pagtatalaga ng bagong arsobispo.

Pinabulaanan din ni Cardinal Advincula na hindi sakop ng arkidiyosesis ang signatory sa scam solicitation.

“Capiz has no priest surnamed SUPILANAS,” ani ng Cardinal.

Hindi pa rin tiyak ang petsa ng pagtatalaga ng bagong arsobispo taliwas sa nakasaad sa sulat na Mayo 13, kasabay ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Muling paalala ng simbahang katolika sa mananampalataya na maging maingat at mapanuri lalo na sa mga online solicitation letter na natatanggap upang makaiwas sa panloloko.

Pinayuhan ng mga lider ng simbahan sng mamamayan na ugaliing kumpirmahin ang anumang sulat na matatanggap lalo na kung humihingi ng tulong pinansyal gamit ang pangalan ng simbahan o mga lingkod ng simbahan.

Pinakahuling biktima ng online scam ang paggamit sa pangalan ni Cardinal Luis Antonio Tagle para aniya sa pagpapagamot ng Cardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 47,045 total reads

 47,045 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 144,050 total reads

 144,050 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 188,319 total reads

 188,319 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 211,428 total reads

 211,428 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 284,534 total reads

 284,534 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top