Pagkawala ng moral values dahilan ng pagkasira ng kalikasan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,928 total reads

Tiniyak ng Diocese of Tandag ang pakikibahagi ng diyosesis sa pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kalikasan na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

Sa pastoral statement ni Tandag Bishop Raul Dael kaugnay sa paggunita ng Earth Day 2021 ay binigyang diin ng Obispo ang pagsusulong ng integral ecology na pagkakaroon ng malalim na ugnayan ng buhay ng bawat nilalang at ng likas na yaman.

Ayon sa Obispo, ang pagkasira ng kalikasan ay nagsisimula sa pagkasira at unti-unti pagkawala ng human values at pagpapahalaga sa iniatang na responsibilidad ng Panginoon na pangasiwaan at alagaan ang sanilikha.

“Degradation of the environment is primarily costs by the erosion of human values that no longer acknowledge our creaturehood that entails relationship with the creator and responsibility towards creation. For these reason the Church of Tandag commits herself to the integral ecology that promotes the fullness of the human person with his or her God given rights and the flourishing of creation.” pahayag ni Bishop Dael.

Inihayag ni Bishop Dael na ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan ng bawat nilalang at ng sangkalikasan ay isang magandang bahagi ng pagpapamalas ng pananampalataya.

Iginiit ng Obispo na mahalaga ang kagyat na pagtugon ng bawat isa upang agad na masolusyunan ang lumalalang suliranin ng climate change.

“We consider the healthy relationship with creation as an essential dimension of our faith that leads us to the path of conversion until we mirror the image of God in us and build a human family with a world livable for all. Climate change is a reality the world is urgently facing due to unbridled human activities, like most parts of the globe the country has exhibited risking temperatures and the tropical cyclones occurring in the Philippine Area of Responsibility have increased in number.” Dagdag pa ni Bishop Dael.

Ibinahagi ng Obispo na bukod sa pagkakaroon ng mas malalakas na bagyo at matinding tagtuyot ay nagdudulot rin ang climate change ng pagkasira ng natural na tahanan ng may 1,768 Filipino wildlife na kinabibilangan rin ng ilang critically endangered species.

Tinukoy ni Bishop Dael ang sitwasyon sa Surigao Del Sur na sa kabila ng ipinagkaloob na natural na yaman ng Panginoon ay humaharap ang lalawigan sa pagkasira at ecological crisis dahil sa illegal logging at open-pit mining na bumibiktima sa mga mahihirap na kumunidad.

“Surigao Del Sur is one of the provinces gifted with abundant natural resources and magnificent beauty of nature that lavishly nourished its inhabitants, however like in other places in the world we are also facing an ecological crisis that threatens the lives of the people particularly the poor in their access to potable water, arable land, productive marine life and health environment due to the paradigm life that prioritizes profit than people.” Pagbabahagi pa ni Bishop Dael.

Tema ng Earth Day 2021 ngayong taon ang “Restore Our Earth” na layong maisulong ang agarang pagtugon sa climate emergency.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 35,534 total reads

 35,534 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 66,806 total reads

 66,806 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 144,547 total reads

 144,547 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 238,775 total reads

 238,775 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,919 total reads

 297,919 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,610 total reads

 22,610 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top