14,078 total views
Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes.
Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag at awa ng Panginoon.
“My episcopal ordination is a mission, a call to shepherd, to guide, and to proclaim the good news of Christ with unwavering faith and boundless joy. Inspired by my motto, to proclaim with joy, I am committed to fostering a spiritual life. A spirit of love, hope, and joy within my diocese. Together, we will work to uplift the marginalized, nurture the faith, and build a community that reflects the light and love of Christ,” bahagi ng mensahe ni Bishop Occiano.
Sinabi ng obispo na sisikapin nitong maging daluyan ng biyaya mula sa Panginoon sa bawat taong makakasalamuha sa kanyang pagpapastol sa diyosesis katuwang ang 72 mga pari.
Aniya sa pagsisimula ng kanyang mas malawak na misyon sa simbahang katolika ay buong kababaang loob nitong tinanggap ang mga kaakibat na hamon at tungkuling gagampanan.
“This ordination is not merely a new title nor a position of authority. It is a profound grace that underscores God’s unmerited favor and compassion towards me,” ani ng obispo.
Ginanap ang ordinasyon ni Bishop Occiano sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica and National Shrine sa pilgrim city of Naga na pinangunahan ni Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona kasama si Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon at Filipino Archbishop Tito Yllana na kasakuyang apostolic nuncio ng Israel at Cyprus.
Sa pagninilay ni Archbishop Alarcon binigyang diin nitong ang pagiging obispo ay isang malawak na misyon sa sambayanan ng Diyos.
“This is not a very easy task and may not be very pleasant. May we not forget this. May we not forget that this is a mission rather than promotion. It is a call to serve rather than be served,” saad ni Archbishop Alarcon.
Dumalo sa pagtitipon ang humigit kumulang 2, 000 katao kabilang na sina dating Vice President Atty. Leni Robredo, dating Senator Franklin Drilon at mga lokal na opisyal ng Naga.
Nasa 15 obispo naman ang dumalo sa ordinasyon kabilang na ang mga obispo ng Bicolandia kasama rin sina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara gayundin si US Diocese of San Diego Auxiliary Bishop Michael Pham.
February 29 nang italaga ni Pope Francis si Bishop Occiano bilang kahaliling obispo sa nagretirong si Bishop Manolo delos Santos habang itinakda ang kanyang installation sa Virac cathedral sa June 26.(