VeritasPH

The Word, The Truth

 403 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ika-20 Linggo ng Karaniwang Panahon, 18 Agosto, 2022, Mt 22:1-14

Pasensya na po at napaka-violent ng binasa nating talinghaga. Isa ito sa mga parables sa Gospel of Matthew na medyo shocking ang dating. Kailangan pang himayin nang konti para maunawaan.

Maiintindihan mo naman kung bakit naghuramentado sa galit ang hari sa mga inimbita niya ayon sa kwento. Iyung iba sa kanila, hindi lang ipinagwalang-bahala o dinedma ang imbitasyon niya. Aba, minaltrato pa raw ang mga messengers niya. Ang iba naman ay pinagpapatay nila. Sabihin na nating nainis sila sa kakulitan ng nag-iimbita. Pero bakit naman hahantong pa sa pagpaslang sa mga taong inutusan lang para mag-follow up ng imbitasyon?

Di ba, meron talagang mga taong pursigido sa pag-iimbita, lalo na kung talagang napaka-espesyal ng okasyon nila? At meron namang mga taong ang isasagot pag inimbita sila ay “Titingnan ko.” O kaya, “Pipilitin ko.” O “Baka sakali siguro kung malibre ako.” Hindi pa nga naman talagang OO iyon. Kaya kailangan pa ng follow up.

Mabuti sa panahon natin madali nang mag-follow up by text, email, o tawag. Noong panahong iyon, personal ang imbitasyon kaya personal din ang follow-up for confirmation. Sa French tradition, isinusulat sa invitation card, RSVP, na ang simpleng kahulugan ay “sumagot ka naman please, oo ba o hinde?”

Kung babasahin lang natin nang literal ang kwento, di natin makukuha ang punto. Magandang clue ang ating first reading kay Ezekiel. Isa itong orakulo na darating daw ang panahon na lilikha ang Diyos ng isang “bagong bayan”. Papalitan niya ang kanilang mga pusong bato. Bibigyan sila ng bagong puso, isang bagong diwa. Papalitan ang kanilang mga pusong bato ng mga pusong laman. Sa kolokyal na Pinoy, “pusong mamon.”

Obvious ang tinutumbok ng talinghaga. Hindi ito tungkol sa literal na kasalan at handaan. Tungkol ito sa relasyon ng Diyos sa bayang Israel: na sa dinami-dami ng mga bansa sa mundo, siya pa ang napili niya upang maging kanyang katipan. Ibig sabihin, umoo na ang Israel sa panliligaw ni Yahweh, sa kanyang imbitasyon na sila’y maging kanyang bayang pinili.

Ang kasalanan ng katipan ay pagkalimot sa kanyang sinumpaan. Naging salawahan siya. Pinagbuhatan pa ng kamay ang mga sugong propeta ng Diyos, ang mga messengers na wala namang ibang layunin kundi ang magpaalala sa sinumpaan. Kaya kumbaga sa kantang Leron-leron Sinta, “Kapos-kapalaran, humanap ng iba.”

Humanap ng ibang iimbitahin ang Diyos, ibang makakasalo sa piging ng kaharian. Pero meron pa rin siyang expectation sa mga dadalo. Isang kasalan nga naman ito, kaya magsuot ka naman ng nararapat na damit pangkasal. Huwag mong insultuhin ang okasyon ng ikinakasal. Tayo ang tinutukoy dito. Tayo na hindi naman kasama sa bayang pinili ng Diyos.

Pinaaalalahanan tayo na imbitasyon ay grasya; hindi mo ito pakikinabangan kung hindi mo kusang-loob na tutugunan, kung hindi mo kayang sundin ang mga patakaran sa kasunduan ang tinatawag nating Sampung Utos. “Ten Commitments”, imbes na “Ten Commandments”, dahil hindi naman sapilitan ang mga ito. Walang kabuluhan kung aalisin sa konteksto ng isang paaanyaya sa isang tipanan o kasunduan.

Kamakalawa, nagkumpil ako sa isang parokya. Ipinaalala ko sa mga kinumpilan ko na ang sakramentong ito ay kakambal ng binyag. Confirmation sa Ingles, ibig sabihin, PAGPAPATIBAY. Kasi aminado tayo na ang binyag ng mga musmos ay mahina pa. Wala pa kasing kusang-loob na pagtugon. Ang nangako ay hindi ang biniyagan kundi ang mga magulang, mga ninong at ninang. Sila ang umako sa responsibilidad na imulat sila, upang sa takdang panahon sila na mismo ang magpapatibay sa tinanggap nila nang kusang-loob.

Noon pa lang nagsisimula ang pananampalataya. Kung walang pagkukusa, ang pinag-uusapan natin ay relihiyon lang; hindi pa matatawag na pananampalataya. Madaling itapon, isantabi, o limutin. Sa kusang-loob na pagtugon, noon pa lang nagsisimula ang pananampalataya.

Ilan kaya ang totoong Kristiyano sa Pilipinas? Ewan ko. Kung Kristiyano ang majority sa atin dahil lang nagkataong “predominantly Christian country” ang Pilipinas, ibig bang sabihin kung sa Thailand tayo isinilang, malamang Buddhist tayo? O kung sa Indonesia naman, malamang Muslim tayo? Ganyan ang usapin tungkol sa relihiyon, namana lang o nakagisnan, hindi pinili.

Marami daw ang tinawag ngunit kakauti ang napili. Kakaunti pa ang kusang-loob na pumapasok sa isang tipanan at bukal sa loob na yumayakap sa pananagutang mahalin ang Diyos nang buong puso at ang kapwa nang gaya ng sarili.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,710 total views

 11,710 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,695 total views

 19,695 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,231 total views

 27,231 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,216 total views

 43,216 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,260 total views

 51,260 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 359 total views

 359 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,114 total views

 3,114 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,529 total views

 7,529 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,855 total views

 2,855 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,378 total views

 3,378 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,877 total views

 4,877 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,721 total views

 5,721 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,976 total views

 3,976 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,189 total views

 8,189 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,422 total views

 7,422 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,632 total views

 11,632 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,080 total views

 5,080 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,084 total views

 5,084 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,084 total views

 5,084 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,076 total views

 5,076 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top