Bagong taon, simula ng bagong buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 955 total reads

Ang pagsisimula ng bagong taon ay isa ring pagkakataon upang makapagbagong buhay.

Ito ang payo ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon kaugnay sa pagsisimula ng bagong taong 2021.

Ayon sa Obispo na siya ring Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) matapos ang lahat ng mga pagsubok na kinaharap ng sambayanan noong nakalipas na taong 2020 lalo’t higit mula sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay mas higit na kinakailangan ang pagbabago ng sarili at mga gawi.

Paliwanag ni Bishop Baylon, ang pagsisimula ng bagong taong 2021 ay isang pagkakataon upang maipamalas at maisabuhay ang lahat ng mga aral na idinulot ng nagdaang taon na hindi lamang nagpaunawa sa kahalagahan ng pangangalaga at pagkakaroon ng matibay na kalusugan at pangangatawan kundi maging sa pagpapatibay ng pananampalataya ng lahat upang malampasan ang kawalan ng katiyakan at mga pangamba sa buhay.

“Bagong taon ay magbagong-buhay, nang lumigaya ang ating bayan… – so we sing! Indeed, we need a change of attitude in life. This is year will surely be filled with realizations and learnings from what the previous year has taught us. Above all we learned that we cannot rely on our strength alone, on our wisdom, our own ambitions, our efforts to change or control our lives.” Ang bahagi ng pagninilay ni Legazpi Bishop Joel Baylon sa Radyo Veritas.



Binigyang diin rin ng Obispo na ang bagong taong 2021 ay isang pagkakataon upang tupdin at ganap na isakatuparan ang mga nasirang plano at mga naudlot na pangarap dahil sa maraming limitasyong naidulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay ng bawat isa.

Pagbabahagi ni Bishop Baylon hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman sa kabila ng anumang kabiguan ng naranasan noong nakalipas na taon sapagkat hindi kailanman pababayaan ng Panginoon ang kanyang mga anak.

“Let us lay down our dreams before the God of Life. We shall plant and farm again. We shall again build our homes. We shall persevere again in our jobs. And we shall make our lives better because the Lord is with us. May He always be in our company.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,639 total reads

 10,639 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,099 total reads

 66,099 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,464 total reads

 151,464 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,201 total reads

 198,201 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,073 total reads

 246,073 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,772 total reads

 346,772 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top