VeritasPH

The Word, The Truth

Bakuna para sa mga balik-eskwela

SHARE THE TRUTH

 152 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng pagbibigay ng go signal ni Pangulong Duterte sa Department of Education (o DepEd) upang magsagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa mga piling paaralan, nagsimula na rin ang Department of Health (o DOH) ng pagbabakuna sa mga menor de edad. Dalawang malalaking hakbang ito ng pamahalaan upang mapabuti ang kalagayan ng mga bata sa panahon ng pandemya—ang pagsubok na makapag-aral muli sa mga paaralan ang mga bata at ang pagbibigay ng dagdag na proteksyon laban sa banta ng COVID-19.

Magkakaroon na ng face-to-face classes sa ilang pampublikong paaralan sa ika-15 ng Nobyembre. Ngunit mula sa naunang 120 na paaralan na target ng DepEd, 59 lang ang inaprubahan noong Setyembre. At ngayong Oktubre, matutuloy lamang ang pilot face-to-face classes sa 30 paaralan. Bukod sa biglang-pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibang natukoy na mga lugar, kailangan ring magbigay ng pahintulot ang mga lokal na pamahaalan, komunidad, at mga magulang upang maituloy ang pabubukas muli ng mga natukoy na paaralan. Karamihan sa mga pampublikong paaralang magbubukas ay sa Central Visayas at Zamboanga Peninsula. Dalawang safety checks ang kailangan upang mabuksan muli ang mga paaralan: ang granular risk assessment ng DOH sa kanilang lugar at ang safety school criteria ng DepEd.

Ayon sa grupong Alliance of Concerned Teachers (o ACT), maaaring lalong matagalan ang pagbubukas ng mga paaralan kung titingnan ang papaunting bilang ng mga paaralang makakasama sa pilot face-to-face classes. Maaari daw na overwhelmed o hindi pa makaagapay ang mga lokal na pamahalaan kaya’t hindi pa lubusang bukas ang mga ito sa ideya ng pagbabalik-eskwela ng mga bata. Maaari din daw na dahil sa limitadong suportang pinansyal na ibinibigay ng national government ay nahihirapan ang mga lokal na pamahalaang paglaanan ang pilot testing na ito. Bukod pa riyan ang ang kawalan ng kumpiyansa ng mga komundidad at magulang na ligtas na magbubukas muli ang mga paaralan.

Kung sa mga batang nasa elementarya ang tutok ng muling pagbubukas ng mga eskwela, mga batang edad 12 hanggang 17 naman na may comorbidity ang tutok ng pagbabakuna para sa mga menor de edad. Sa ngayon, walong ospital sa Metro Manila pa lamang ang gumagawa nito. Sa tala ng DOH, halos 6,000 na mga bata na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna noong nakaraang linggo. Sa mga susunod na linggo ay inaasahang madaragdagan pa ang mga ospital na papahintulutang magbakuna sa mga bata, ngunit mananatili pa rin ito sa Metro Manila. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., pinapahalagahan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata dahil ito ang paraan tungo sa kanilang ligtas na pagbabalik-eskwela at pagbubukas muli ng ating ekonomiya. Kinikilala rin ng DOH na dahil sa tagal ng pagkakatigil ng mga bata sa loob ng tahanan, nagkaroon na ito ng masamang epekto sa kanilang kalusugan at mental health.

Mga Kapanalig, kinikilala ng ating Santa Iglesia ang dignidad ng mga bata. Ang pagtataguyod natin sa kanilang karapatang makapag-aral at mabigyan ng serbisyong pangkalusugan, gaya ng bakuna, ay nagpapakita ng pagkilala sa kanilang dignidad. Ngunit bukod sa pag-aaral at bakuna, kailangan ding mabigyan ang mga bata ng pagkakataong makalabas sa apat na sulok ng kanilang tahanan at makihalubilo sa kanilang kapwa-bata. Makakabuti ito hindi lamang sa kanilang pagkatuto at kalusugan, kundi maging sa kanilang kaisipan, ngunit kailangang tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Sabi nga ni Hesus sa kanyang mga alagad sa Marcos 9:37, ang sinumang tumatanggap sa isang bata ay tinatanggap na rin Siya. Sinasabi sa atin ni Hesus na hindi lang tanggapin ang mga bata kundi tingnan at ibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 1,573 total views

 1,573 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 9,109 total views

 9,109 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 25,095 total views

 25,095 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 33,140 total views

 33,140 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,220 total views

 38,220 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 1,574 total views

 1,574 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 9,110 total views

 9,110 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 25,096 total views

 25,096 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 33,141 total views

 33,141 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 38,221 total views

 38,221 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,967 total views

 42,967 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,753 total views

 44,753 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,678 total views

 41,678 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,992 total views

 55,992 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,682 total views

 59,682 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,285 total views

 58,285 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,272 total views

 68,272 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,240 total views

 72,240 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,127 total views

 83,127 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,566 total views

 95,566 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top