343 total views
Naniniwala si Doctors for Life President Dra. Dolly Octaviano na ang pagkakaroon ng measles outbreak sa bansa ay patunay na hindi epektibo ang bakuna para sa tigdas o measles vaccine para sa mga bata.
Ito ang reaksyon ni Dra. Octaviano kaugnay sa pagdedeklara ng Department of Health (DoH) ng Measles outbreak sa Taguig City gayundin sa Region 3, Zamboanga at Davao City.
“Isa lang ang ibig sabihin niyan ang proteksyon, seemingly protection nila via bakuna sa measles is not lifetime unlike sa natural…” pahayag ni Octaviano sa panayam sa Radyo Veritas.
Paliwanag ni Dra. Octaviano, dahil sa hindi natural ang virus na nasa measles vaccine ay malaki ang posibilidad na ito rin mismo ang makapagdulot ng tigdas sa mga bata sa oras na bumaba o humina ang kanilang resistensya.
“Kasi hindi yan natural so at whatever point kapag bumaba yung immune response ng isang bata pwedeng mag-cause mismo ng measles yung virus na ininject via vaccination, so kung nakatanggap yan ng bakuna kasi yung measles is lifetime kapag nagkaroon tayo ng natural na measles hindi na tayo magkakaroon uli…” Pagbabahagi ni Octaviano.
Samantala, hinimok naman ni Dra. Octaviano ang mga magulang na mayroong anak na may tigdas na pansamantalang ihiwalay at huwag munang papasukin sa paaralan ang mga ito para hindi makahawa, pakainin ng masustansyang pagkain, prutas at painumin ng tubig upang magkaroon ng resistensya ang kanilang katawan.
Kaugnay nito, sa tala ng DOH simula noong Enero 2018 ay umaabot na sa 222 ang naitatalang kaso ng Tigdas sa buong bansa.
Samantala sa panlipunang katuruan ng Simbahan, kinakailangang maging prayoridad ng pamahalaan ang pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan hindi lamang sa usaping pangkabuhayan kundi maging pangkalusugan.