Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Unti-unti ng bumabalik sa normal ang buhay sa ating bayan. Ang ating mga kalye puno na ulit. Ang mga pamilihan ay bukas na. Malaya na tayong nakakalabas ng bahay. Pati mga bata, bumabalik na rin sa paaralan.

Malaking hakbang, kapanalig, ang pagbabalik eskwela ng mga kabataan. Sa loob ng halos dalawang taon, nanatili sila sa loob ng bahay. Ang kanilang pag-aaral ay nagawa lamang nila sa pamamagitan ng internet at modules. Naging tuloy-tuloy man ang pag-aaral ng marami, mayroon pa ring  mga kabataan ang naiwan. Ayon nga sa isang survey, na-obserbahan ng mga 72% ng mga teachers sa ating bansa na may learning loss sa mga batang mula sa mga maralitang pamilya. Ang learning loss, kapanalig, ay reversal o pagkawala ng mga natutunan o pagkawala ng kaalaman at kasanayan dahil sa mga disruptions o pagkagambala sa buhay at pag-aaral ng mga bata.

Ang learning loss na ito, kapanalig, ay kailangan nating mabawi. Malaki ang implikasyon nito sa kinabukasan ng bata dahil may katumbas itong loss of economic opportunity. Kung hindi natin ito maisasaayos, mababawasan ang kanilang productivity pati ang kanilang kikitain sa kinabukasan. Halimbawa, dahil ang isang kabataan ay hindi nakapag-aral o nakakuha ng kasanayan dahil sa pandemya, hindi siya makaka-apply sa trabahong nais niya, na makakapagbigay sa kanya ng disenteng kita.

Kaya nga’t isang malaking hakbang ang pagbubukas ng mga paaralan ngayon para mabawi ang learning loss ng kabataan. Ngunit hindi sapat ito. Marami pang kailangang gawin ang paparating na administrasyon upang tunay nating maingat ang buhay ng ating mga kabataan. Isa sa mga halaga dito ay ang pagbibigay suporta sa mga kabataang maralita, na isa sa pinakamalaking biktima ng pandemya. Pati kinabukasan nila ay kinompromiso ng COVID-19.

Una kailangan ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad at kaligtasan  ng mga kabataan sa paaralan. Nagbukas man ang eskwelahan, hindi naman nawawala ang COVID-19. Bulnerable ang mga bata dito. Karagdagang gastos din sa kanila ang alcohol at araw-araw na pagsuot ng mask.

Kailangan din matutukan ang mga aralin na naapektuhan ng pandemya. Ang math, halimbawa, ay mahirap ituro online – pero ngayong nagbalik campus na ang mga estudyante, maaaring makabawi tayo ngayon dito. Kailangan din matulungan natin sila pagdating sa access sa internet at gadgets. Ang maralitang bata ay laging di makakahabol kung wala sila ng mga ito.

Pagdating sa learning loss kapanalig, time is of the essence. Literal na naiiwan sa kangkungan ang mga mag-aaral na hahayaan na lamang nating hindi makapag-aral dahil sa kahirapan at pandemya. Hindi ito tama. Hindi ito makatarungan. Sabi nga sa Laudato Si: Our world has a grave social debt to the poor. Malaki ang ating utang sa maralita, at ang utang na ito, kung hindi natin pagbabayaran, ang lalo pang maglulugmok sa kanila sa kahirapan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 31,683 total reads

 31,683 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 112,356 total reads

 112,356 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 145,804 total reads

 145,804 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 181,103 total reads

 181,103 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 406,423 total reads

 406,423 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 31,684 total reads

 31,684 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 112,357 total reads

 112,357 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 145,805 total reads

 145,805 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 181,104 total reads

 181,104 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top