Hybrid work system, isinusulong ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Kinilala ng labor groups ang resulta ng isinagawang pag-aaral ng ‘CISCO’.

Lumabas,sa pag-aaral ng CISCO na umabot sa Php340-thousand ang natitipid ng mga manggagawa sa loob ng isang taon sa pagpapatupad ng mga hybrid work system ng dahil sa pandemya.

Ayon kay Leody De Guzman – Chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino ipinakita ng mga ipinatupad ng Hybrid Working System na nadagdagan ng 15% ang pagiging produktibo ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.

“Dapat sundin ang kahilingan ng mga manggagawa tungkol sa work flexibility dahil suportado naman ito ng datos na nagpapakita ng paborableng benepisyo para sa kanila at sa kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan. Tumaas ng 15 % ang produktibidad ng mga manggagagawa sa sistemang hybrid na work arrangement,” ayon sa ipinadalang mensahe ni De Guzman sa Radio Veritas.

Ayon naman sa Alliance of Call Center Workers (ACP) ipinakita ng pag-aaral na mas nakatipid ang mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya.

Paliwanag ni Emman Dacvid – ACW Co-convenor, magagamit ng mga manggagawa ang kanilang natitipid bilang karagdagang pondo sa mga bayaring sa bahay, matrikula at insurance fee.

“Ang halagang natitipid ng mga manggagawa ay magagamit nila upang gastusan ang mga bagay tulad ng bahay at lupa, pag-aaral ng mga anak, insurance, at iba pang mga bagay na makapag-aangat ng antas ng kanilang pamumuhay,” ayon din sa ipinadalang mensahe ni David sa Radio Veritas.

Apela ni De Guzman at David sa pamahalaan at mga employers ang pakikinig sa mga manggagawa na muling ipatupad ang mga flexible work arrangement dahil bukod sa benepisyong nararanasan ng mga empleyado ay nakakatulong din ito upang mas mapagyabong pa ang isang kompanya.

Isa sa mga mga pinakakilalang uri ng hybrid working system ay ang work from home arrangement o ang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa kanilang mga tahanan.

Kaisa naman ang simbahang katolika ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mga polisiyang tutulungang makapamuhay ng may dignidad ang bawat manggagawa at mga pamilyang kanilang sinusportahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,071 total reads

 37,071 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,342 total reads

 68,342 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,935 total reads

 145,935 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,163 total reads

 240,163 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,264 total reads

 299,264 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top