Banal na Oras para sa kalikasan: Earth hour 2026 special, tampok sa Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 361 total views

Banal na Oras para sa kalikasan: Earth hour 2026 special, tampok sa Radyo Veritas

Muling makikibahagi ang kapanalig na himpilan sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon bilang pakikiisa sa panawagang pangalagaan at bigyang-pahinga ang inang kalikasan.
Isasagawa ngayong Sabado, March 28, 2026, mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi ang programang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2026 Special,” ng Radyo Veritas, sa pakikipagtulungan ng Climate Change Commission (CCC), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), Diocese of Lucena—Ministry on Ecology, at Alyansa Tigil Mina (ATM).

Tampok sa programa ang sabay-sabay na pagpapatay ng mga ilaw mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi, na sasabayan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo, at mga talakayan hinggil sa kalagayan ng iba’t ibang sektor na apektado ng suliranin sa kapaligiran.

Kabilang sa mga panauhin sina CCC Commissioner Rachel Anne Herrera; Lucena Ministry on Ecology Director, Fr. Warren Puno; CBCP-ECIP Executive Secretary Tony Abuso; at ATM Chairperson Rene Pamplona.

Mapapakinggan ang programa sa DZRV 846 AM at mapapanood sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH YouTube channel, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ika-18 taon na ng pakikibahagi ng Pilipinas sa Earth Hour, na unang isinagawa noong 2007 sa Sydney, Australia, at ngayo’y ipinagdiriwang sa mahigit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo bilang simbolo ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 158,286 total views

 158,286 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 135,919 total views

 135,919 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 200,047 total views

 200,047 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 220,450 total views

 220,450 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 141,458 total views

 141,458 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top