Bansang kasapi ng COP27 at G20, hinamong tugunan ang nagaganap na climate at economic crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Hinamon ng Sanlakas Philippines ang mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang bansang dumalo sa COP27 at G20 Summit na manindigan para sa ikabubuti ng daigdig sa gitna ng nagaganap na climate at economic crisis.

Ayon kay Sanlakas secretary-general Atty. Aaron Pedrosa, dapat manindigan ang mga kalahok na bansa para sa mabilis, makatarungan, at pantay na paglipat sa 100 porsyentong renewable energy systems at low carbon development.

“We need real solutions to climate change and the multiple crises we are facing. The time is now to address the root cause of the problem, instead of pushing for false solutions that extend the life of fossil fuels,” pahayag ni Pedrosa.

Patuloy ang operasyon ng mga coal-fired at liquified natural gas (LNG) power plant sa Pilipinas na nagdudulot ng panganib sa kalikasan at kalusugan ng mga tao.

Sa kabila nito, mariing isinusulong ng iba’t ibang grupo ang paggamit at pagsuporta sa renewable energy dahil sa kakayahan nitong mapababa ang presyo ng kuryente at matiyak ang kaligtasan ng mga tao.

Samantala, panawagan naman ni Philippine Movement for Climate Justice national coordinator Ian Rivera na ihinto na ng mga mayayamang bansa, financial institutions at korporasyon ang pagpopondo at pagsuporta sa mga fossil fuel projects.

“We really have to end fossil fuels now. There must be no more new oil, gas or coal if we are to save humanity. Shift those financing to clean energy,” ayon kay Rivera.

Si Pedrosa at Rivera ay kapwa dumalo sa COP27 Summit sa Sharm El Sheikh, Egypt bilang kinatawan ng mga environmental, labor, at human rights group ng Pilipinas upang ipahayag ang mga panawagan para makamtan ang katarungang pangklima at ekonomiya ng bansa at buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top