Banta sa checks and balances

SHARE THE TRUTH

 281 total views

Mga Kapanalig, sa pagkakalantad ng alitan ng mga mahistrado ng Korte Suprema, nakikita nating hindi pala ito ganoon katatag sa harap ng pamumulitika. Lantaran man o hindi, kanya-kanyang batuhan ng putik ang ilang mahistrado, kahit pa ang tinitira nilang kasamahan na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay pansamantalang naka-leave. Maging ang leave na ito ay naging dahilan pa ng hindi pagkakaunawaan ng mga mahistrado dahil para sa ilan sa kanila, hindi raw naging tapat si CJ Sereno sa pagsasapubliko nito—wellness leave daw kasi ang sinabi niya sa halip na indefinite leave. Dahil raw dito, nakompromiso niya ang integridad ng Kataas-taasang Hukuman.

Ngunit hindi ba’t matagal nang nakompromiso ang integridad ng Korte Suprema sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon? Una, pinahintulutan ng mayorya sa mga mahistrado ang paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ikalawa, pinayagan din nila ang extension ng martial law sa Mindanao. Ikatlo, nang maglabasan sa pagdinig sa Kamara ang ilang mahistrado upang idiin si CJ Sereno, hindi ba’t nalagay din sa alanganin ang integridad ng pinakamataas na hukuman?

Ang lehislatura ay mistulang nagagamit na rin upang pahinain ang mga institusyon natin. Halimbawa, kahit pa ang batayan ng reklamo laban kay CJ Sereno ay ang mga maling statements of assets, liabilities, and net worth (o SALN), pinipilit kuwestiyunin ng mga kaalyado ng pangulo ang mental health ni CJ Sereno na wala namang kaugnayan sa batayan ng reklamo. Isasama nga raw ang resulta ng kanyang psychological tests sa mga proposed articles of impeachment na pagbobotohan ng House Committee on Justice ngayong linggo. Target na magbotohan ang mga mambabatas sa plenaryo sa darating na Mayo pagkatapos ng kanilang summer break. At kung pagbabatayan ang track record ng Mababang Kapulungan kung paano nito ginagawa ang lahat para kay Pangulong Duterte, hindi na tayo magtataka kung matuloy nga ang impeachment hearing sa Senado.

Pinabababaw ng mga nangyayari ngayon sa ating pamahalaan ang halaga ng sistema ng tinatawag nating “checks and balances”. Ang checks and balances ay tumutukoy sa pagtiyak ng tatlong sangay ng pamahalaan—ang ehekutibo, lehislatura, at hudikatura—na wala sa kanilang aabuso sa kanilang kapangyarihan. Ngunit sa pagpupumilit na mawala sa puwesto si CJ Sereno, masasabing may mga puwersang nais gamitin ang ating mga institusyon upang mawala ang mga sa tingin nila’y hadlang sa kanilang makasariling agenda. Hindi tuloy maiwasang isiping nais talaga ng nasa ehekutibo, sa tulong ng mga kakampi sa lehislatura, na kontrolin ang hudikatura. Tandaan po nating magkakapantay ang kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura, at hudikatura; ang panghihimasok ng isa sa iba pang sangay ay pahiwatig ng pagkiling sa diktadurya.
Ayon sa Pacem in Terris, isang encyclical na isinulat ni St John XXIII, ang isang rehimeng namamahala sa pamamagitan ng pagbabanta o pananakot, o sa pamamagitan ng pangangako ng pabuya sa mga kakampi ay hindi nakahihikayat sa mga mamamayang kumilos para sa kabutihan o kagalingan ng lahat. Mahihinuha rin sa Pacem in Terris ang pagpapahalaga ng Simbahan sa magkakahiwalay na kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan: ang lehislatura, dapat na pinahahalagahan ang Saligang Batas; ang ehekutibo, dapat inuunawa ang batas na kanilang ipatutupad; ang hudikatura, dapat na walang kinikilingan at hindi nagpapaimpluwensya. Mahalagang nagagawa ng mga sangay ng pamahalaan ang mga ito upang tiyaking ang kagalingan ng lahat ang naisusulong.

Kaya, mga Kapanalig, sa pagsubaybay natin sa mga balita tungkol sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno, suriin natin kung paano naisusulong ng mga mambabatas at mga mahistradong nakikilahok doon ang kagalingan nating lahat. Napatatatag ba nila ang ating mga institusyon o hinahayaan nilang humina ang pundasyon ng mga ito?
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,257 total views

 5,257 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,302 total views

 13,302 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,382 total views

 18,382 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,089 total views

 24,089 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,877 total views

 32,877 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,259 total views

 5,259 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,304 total views

 13,304 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,384 total views

 18,384 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,091 total views

 24,091 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,879 total views

 32,879 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,070 total views

 40,070 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,384 total views

 54,384 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,074 total views

 58,074 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,677 total views

 56,677 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,664 total views

 66,664 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,632 total views

 70,632 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,519 total views

 81,519 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,958 total views

 93,958 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,716 total views

 104,716 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,969 total views

 51,969 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top