Diocese of San Carlos, makikiisa sa Earth Hour 2018

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total reads

Hinihimok ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental ang lahat ng nasasakupan nitong Parokya na makiisa sa gaganaping Earth Hour ngayong Sabado – ika 24 ng Marso.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, isang oras lamang ito at maliit na sakripisyo lamang kung ikukumpara sa lawak ng yaman ng kalikasan na ipinagkakaloob ng Panginoon sa tao.

Inaanyayahan ng Obispo ang bawat inibidwal na ipakita ang kanilang paggalang at pagmamahal sa kalikasan.

“Nananawagan po ako , para sa matagumpay na pagsasagwa ng Earth Hour this coming March 24, at sana everybody will make himself or herself count, kasi sa ating care for our common home sa ating pag-aalaga sa mother earth, everybody has something to contribute talaga.” Pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, maraming bagay ang maaaring pagkaabalahan ng bawat mananampalataya sa loob ng isang oras na hindi paggamit ng elektrisidad, kabilang na dito ang pagkakaroon ng taimtim na oras upang manalangin at magpasalamat sa Panginoon sa kanyang mga biyaya at ang pagpapalalim ng pag-aaral at pagbabahagi patungkol sa encyclical ni Pope Francis na Laudato Si.

“I-challenge natin ang ating mga sarili… From time to time it’s good to pause, to pray and reflect paano natin maipapakita na grateful tayo sa mga biyaya na ibinigay sa atin ng ating maykapal. Isang suggestion din natin ay take a passage or section of laudato Si at pag-usapan yon o mag share how do you understand, how to apply or how will you practice?” pagbabahagi ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Bukod dito, nanawagan rin ang Obispo sa mga kabataan na magkaroon ng malikhaing pamamaraan kung paano mapatataas ang kamalayan ng bawat tao patungkol sa kalagayan ng kalikasan at ang nararapat na ibinibigay na pag-aalaga at pagmamahal sa kapaligiran.

Samantala, umaasa si Bishop Alminaza na sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagkilos ng mga Filipino na makikiisa sa Earth Hour ay makikilala rin ang Pilipinas bilang isang bansa, na bagamat maliit, ay mayroon namang malaking pagmamahal sa kalikasan.

Pagbibigay diin pa ng Obispo hindi dapat mawalan ng malasakit ang isang tao sa kalikasan dahil ang bawat indibidwal ay bahagi ng iisang katawan ni Hesukristo at naninirahan sa iisang daigdig na ipinagkaloob ng Diyos sa tao.

“Sana sa during the Earth Hour, the Philippines can register the one of the biggest if not the biggest impact because of our collective effort na ipakita talaga ang ating care for our common home. So, as we say in San Carlos Diocese, “UBUNTU, how can one be happy if the others are sad?” isa tayong katawan ni Kristo hindi tayo pwedeng maging indifferent kailangan talaga tayong makibahagi, makilahok sa makabuluhang panawagan ng sanlibutan na mag join sa Earth Hour.” Pahayag ng Obispo.

Ngayong sabado kasabay ng pagpapatay ng mga ilaw simula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi ay inaasahang makikiisa ang 42 mga Parokya sa ilalim ng Diocese of San Carlos sa Negros Occidental.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 9,573 total reads

 9,573 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 91,565 total reads

 91,565 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,014 total reads

 125,014 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 160,313 total reads

 160,313 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 386,564 total reads

 386,564 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,997 total reads

 36,997 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,888 total reads

 29,888 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top