CBCP, umaasang matutuldukan na ang pang-aabuso sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total reads

Tiwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na matigil na ang pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers.

Umaasa si Balanga Bishop Ruperto Santos-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na babantayan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng kasunduan upang hindi maulit ang mga pang-aabuso sa mga OFW sa Kuwait maging sa ibang bahagi ng mundo.

Ang dasal ni Bishop Santos matapos magkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait sa pag-iral ng memorandum of agreement para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III itinakda ang paglagda ng kasunduan sa April 7-8 sa pagitan ng dalawang kalihim ng bansa na isasagawa sa Kuwait.

“Pinag-uusapan na lang namin ng ambassador ng Kuwait kung saan kailan lalagdaan ang kasunduan,” ayon kay Bello.

Sa binalangkas na kasunduan kabilang sa tinukoy dito ang working hours ng mga O-F-W, hindi pagkuha ng passport ng mga employers at karapatan ng mga manggagawa na makipag-ugnayan sa kanilang pamilya at sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Bello na nais sana ng Pangulong Rodrigo Duterte na siya mismo ang lumagda kasama ang Emir ng Kuwait na si Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah sa kasunduan subalit posible pa itong tumagal hanggang sa pagtatapos ng Ramadan.

“Sabi nila para mapadali ang minister of labor nila at ako bilang secretary of labor,” paliwanag pa ni Bello.

Tiniyak din ni Bello sa pangulo na kabilang sa mga nakapaloob na probisyon ang tungkol sa usapin ng suweldo, working hours, day off with pay at ang hindi pagpapasa-pasa ng employer.

Nanatili naman ang deployment ban sa Kuwait hangga’t hindi naisasakaturapan ang paglagda na itinakda sa susunod na buwan sa pagitan ng mga kalihim ng dalawang bansa na isasagawa sa Kuwait.

Ang hakbang ay kaugnay na rin sa mga ulat ng mga pang-aabuso sa mga manggagawang Filipino kung saan isa sa pinakahuling insidente ang pagkakatagpo sa bangkay ng OFW sa loob ng isang freezer.

Tinatayang may 250,000 mga Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Kuwait.

Naitalang nagmumula ang 800 milyong dolyar na bahagi ng 28.1 bilyong dolyar na kabuuang remittances sa mga OFW sa Kuwait base sa 2017 report ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,102 total reads

 33,102 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,741 total reads

 69,741 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,952 total reads

 87,952 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,280 total reads

 172,280 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,156 total reads

 208,156 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top