Withdrawal ng Pilipinas sa Rome Statute, patunay ng authoritarian mindset ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Ang naging hakbang ng pamahalaan na mag-withdraw ang Pilipinas sa Rome Statute na siyang Treaty o tratadong lumikha sa International Criminal Court (ICC) ay nagpapakita sa indikasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging isang authoritarian leader.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, ang Rome Statute ay binuo para sa mga despotic at authoritarian ruler upang maiwasan ang diktadurya at pang-aabuso ng mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang posisyon at katungkulan.

“Pinapakita rin nito na yung tendency din ng ating Pangulo na talagang maging authoritarian in the sense na ‘walang dapat sa akin na nakikialam dito, so ako lang ang leader dito ako dapat ang masusunod dito, kayo hindi naman kayo taga rito huwag niyo akong pakialaman. Kaya yung Rome Statute ginawa yan para sa mga despotic ruler at sa mga authoritarian ruler kung ganun ang pananaw ng ating Pangulo na authoritarian, malinaw na dapat walang sumasaklaw sa kanyang pamamaraan ng kanyang pagiging leader…” pahayag ni Father Secillano sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ng Pari na mayroong bakas ng pagkabahala sa kasalukuyang nakahaing kaso sa International Criminal Court (ICC) ang naging hakbang ni Pangulong Duterte sa pagwithdraw ng bansa sa Rome Statute na siyang Treaty o tratadong lumikha ng ICC.

Ayon sa Pari, kapansin-pansin sa naging hakbang ng pamahalaan ang pagkabahala sa imbestigasyon ng I-C-C na isang independent organization na hindi basta maaring maimpluwensyahan ng sinuman kayat mas minarapat ng Pangulo na tuluyang mag-withdraw sa kasunduang nagbuo dito.

Taong 1998, nilikha ang ICC bilang unang permanent international court, upang imbestigahan at usigin ang mga sangkot sa genocide, crimes against humanity, war crimes at crime of aggression.

Agosto taong 2011 matapos na maratipikahan ng Senado ang naturang tratado ay naging opisyal na ika-117 state party ang Pilipinas sa Rome Statute.

Sa inilabas na pahayag ni Pangulong Duterte kinundina nito ang international bias ng United Nations Special Rapporteurs na pumupuna at pinalalabas na marahas at lumalabag sa karapatang pantao ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Dahil dito sa oras na maging epektibo na ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay inaasahan na rin ang pag-alis sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa bansa kung saan may kasalukuyang nakasampang kaso laban sa madugong implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan.

Nauna nang nanindigan ang Simbahan na kinakailangang mapanagot ang mga may kaugnayan sa pagkamatay ng higit 13-libong indbidwal sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 9,591 total reads

 9,591 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 91,581 total reads

 91,581 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,030 total reads

 125,030 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 160,329 total reads

 160,329 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 386,580 total reads

 386,580 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top