Pagtatayo ng casino sa Boracay, tinututulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 422 total reads

Mariing tinututulan ng Simbahang Katolika ang pagtatayo ng casino sa isla ng Boracay, Aklan.

Binigyang diin ni Father Ulysses Dalida – Social Action Center Director ng Diocese of Kalibo na noon pa man ay tinututulan na ng simbahan ang planong pagtatayo ng malalaking negosyo partikular ang hotel-casino sa isla na papatay sa kabuhayan ng mga lokal na residente.

Iginiit ni Father Dalida, mananatili ang posisyon ng simbahan para sa pagpapaigting ng pagprotekta sa kalikasan at sa pagtataguyod ng kabuhayan ng mga mamamayan sa Boracay.

“Kahit na noon pa man, ilang Bishops na ang dumaan [sa amin] ay against na kami dyan,” pahayag ni Father Dalida sa Radyo Veritas.

Kinokondena naman ng Kalikasan People’s Network for the Environment ang pahayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na posibleng pagtatayo ng dalawang casino sa isla ng Boracay.

Ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng grupo, lumalabas na pagbabalat kayo lamang ng pamahalaan ang ipinakikita nitong pag-aalala sa kalagayan ng kalikasan sa Boracay dahil mayroon itong binabalak na malaking pagkakakitaan.

Dagdag pa ni Dulce ang ginawang pagtatanggal sa mga maliliit na negosyo na sinasabing lumalabag sa environmental compliance ay pagtatanggal lamang ng mga maliliit na kakumpitensya ng papapasuking negosyo ng pamahalaan.

Dahil dito, muling binigyang diin ng KPNE kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pagpapa-pogi at simulang higpitan ang mga batas na mangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga kritikal na isla sa bansa.

“The Duterte regime, especially its environment and tourism agencies, should go beyond its ‘papogi’ crackdown and ensure that the development of tourism hubs especially within critical ecosystems is sensitive to local ecological boundaries, cultural development, and local community development. We reiterate our call on the Duterte government to strictly enforce a moratorium on new tourism construction projects and issuance of business permits, including this planned casino.” pahayag ni Dulce.

Sa pagtataya ng KPNE, kung matutuloy ang pagtatayo ng casino ay ang average na bilang na 781 turista kada araw ay tataas sa 4,224 na bisita, at inaasahang doble o triple pa ang malilikhang kalat ng mga taong dadayo sa isla ng Boracay araw-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,107 total reads

 33,107 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,746 total reads

 69,746 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,957 total reads

 87,957 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,285 total reads

 172,285 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,161 total reads

 208,161 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,152 total reads

 378,152 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top