Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banta sa sanilikha, banta sa tao

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Mga Kapanalig, pamilyar na pamilyar tayo sa kuwento ng paglikha ng Diyos sa mundo sa aklat ng Genesis. Nilikha niya ang langit, lupa at dagat, lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga, at lahat ng uri ng hayop sa lupa. Pagkatapos ng mga ito, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan at binigyan ng tungkuling pangasiwaan ang sanilikha—ang sanilikhang lubos niyang kinasiyahan. Ibinigay Niya ang daigdig para sa kapakinabangan nating mga tao dahil sa Kanyang pag-ibig sa atin.

Ngunit alam naman nating lubha nang nasalaula ang biyaya sa atin ng Maykapal, at masasabi nating pagtalikod ito sa pag-ibig Niya sa atin. Nakalulungkot na ang pamahalaang itinatag ng tao upang pangasiwaan at pangalagaan ang likas-yaman ng isang bansa ang siyang nagiging instrumento ng pagkasira ng mga ito.

Nitong Abril, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 130 kung saan winakasan niya ang moratorium sa mga bagong mining agreements. Sa pamamagitan daw ng pagpapahintulot sa pagmimina, basta’t naaayon daw sa mga batas katulad ng Philippine Mining Act of 1995, masusuportahan ng industriya ng pagmimina ang iba’t ibang programa ng pamahalaan katulad ng “Build, Build, Build” at “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa.” Madadagdagan daw ng mga proyektong minahan ang kaban ng bayan. Magbibigay daw ang mga ito ng maraming trabaho at magbubukas ng maraming negosyo. Pasisiglahin daw ng pagmimina ang ating ekonomiyang bugbog na ng pandemya. Ayon sa isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR), mayroong isandaang proyekto ng pagmimina na naghihintay na maisyuhan ng kasunduan, at makapagbibigay daw ang mga ito ng 21 bilyong pisong kita para sa pamahalaan. Mapopondohan daw ng mga ito ang maraming gawain upang sugpuin ang pandemya.

 

PSD Toktok

 

Ngunit hindi kaila sa atin ang kinahinatnan maraming minahan sa ating bansa. Sinong makalilimot sa naging epekto sa kapaligiran at komunidad ng Marcopper Mining Corporation sa Marinduque noong dekada ’90? Umagos sa Boac River ang naiwang mine tailings at wastes ng proyekto na nagpalalâ sa mga pagbahang nakaapekto sa daan-daang pamilya, nilason ang tubig na pumatay sa mga isda at ibang yamang-tubig, pumatay sa maraming hayop, at sumira ng mga pananim. Matapos ang trahedyang ito, hindi na napakikinabangan ang ilog.

Gaya ng inaasahan, labis na ikinadismaya ng maraming grupong nagtataguyod ng karangalan ng sanilikha at karapatan ng mga katutubo at maliliit na komunidad ang pinakabagong direktibang ito ng pangulo. Para sa Alyansa Tigil Mina, makasisira sa katubigan, kagubatan, at iba pang nilikha ng Diyos ang muling pagpapahintulot sa mga minahan. Kaisa ang Simbahang Katolika, ani Bishop Jose Collin Bagaforo ng Kidapawan at direktor ng Caritas Pilipinas, sa pagtutol sa hakbang na ito ng pangulo. Pinapaboran daw nito ang interes ng mga negosyante sa pagmimina at hindi ng taumbayan, lalo na ng mga dukha katulad ng mga katutubo. Mas pinili raw ng pamahalaan ang pagpapayaman ng iilan sa halip na tunay na tugunan ang pangangailangan ng mahihirap at pangalagaan ang kapaligiran. Bilang matagal nang naglilingkod sa kanayunan, hindi raw nakita ni Bishop Bagaforo na bumuti ang buhay ng mga tao dahil sa pagmimina. Ipinamamalas ng pagwawakas sa moratorium sa pagmimina ang pagkadesperado ng pamahalaang lutasin ang naging epekto sa ekonomiya ng pandemyang nabigo nitong tugunan sa simula pa lamang.

Mga Kapanalig, alam nating mahalagang may pondong maigugugol sa mahahalagang proyekto ng pamahalaan, ngunit hindi ito makatwirang dahilan kung maisasakripisyo ang kalikasang nagbibigay sa atin ng buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang kalupitan sa bawat nilikha ay salungat sa dignidad ng tao. Babalik sa ating mga tao ang pagsira natin sa kalikasan; ito ang masaklap na natunghayan natin sa maraming minahan sa bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,659 total views

 2,659 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,632 total views

 8,632 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,387 total views

 14,387 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,650 total views

 21,650 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,635 total views

 29,635 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,660 total views

 2,660 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,633 total views

 8,633 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,388 total views

 14,388 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,651 total views

 21,651 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,636 total views

 29,636 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,204 total views

 35,204 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,208 total views

 47,208 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,250 total views

 55,250 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,807 total views

 46,807 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,232 total views

 45,232 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,018 total views

 47,018 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,943 total views

 43,943 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,257 total views

 58,257 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,947 total views

 61,947 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,550 total views

 60,550 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top