CBCP, nagbigay pugay sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na patuloy nitong ipinanalangin at kinikilala ang sektor ng mga manggagawa. Ito ang mensahe ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa pagdiriwang ng Labor Day kasabay ng kapistahan ni San Jose Manggagawa.

Ayon sa arsobispo, ang pagtalaga kay San Jose bilang patron ng mga Manggagawa ay malinaw na tanda ng pakikiisa ng simbahan sa kanilang hanay.

“Giving St. Joseph as patron saint for workers and of laborers is a sign that the heart and mind of the church is with you; please know that you are prayed for, you are remembered and we are mindful of the great difficulties that many of you working and laboring for many kinds of services,” pahayag ni Archbishop Valles sa panayam ng Radio Veritas.

Sa Apostolic Letter na Patris Corde ni Pope Francis pinararangalan nito ang mga manggagawa na patuloy sa paggawa sa gitna ng banta ng pagkahawa sa coronavirus.

Inilalarawan din ng Santo Papa ang santo bilang ‘working father’ kung saan sa salaysay sa Banal na Kasulatan si San Jose ay isang karpintero.

Sa pananalasa ng COVID-19 pandemic labis na naapektuhan ang sektor ng manggagawa kung saan sa datos ng Department of Labor and Employment noong 2020 halos limang milyon ang bilang ng mga nawalan ng trabaho bukod pa sa mahigit dalawang libo nitong Abril 2021 nang muling ipatupad ang enhanced community quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna o ang NCR Plus Bubble.

Ipinanalangin din ni Archbishop Valles ang mga nawalan ng trabaho kasabay ang paalalang patuloy na manalangin sa grasya ng Diyos at bagong pag-asa.

“Our prayers always that you will be able to stand firm with hope and commitment in these difficult times through the grace of the Lord,” ani ng arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 4,816 total reads

 4,816 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 57,773 total reads

 57,773 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 105,645 total reads

 105,645 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 209,592 total reads

 209,592 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 295,465 total reads

 295,465 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top