Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bantayan ang kaban ng bayan

SHARE THE TRUTH

 294 total views

Mga Kapanalig, sa loob lang ng pitong minuto, aprubado na ng House Committee on Appropriations ang siyam na bilyong pisong badyet ng Office of the President (o OP) para sa susunod na taon. Halos kalahati ng badyet na ito ay confidential at intelligence funds. Ibig sabihin, hindi kailangang ipaliwanag ng opisina ng presidente kung saan-saan gagamitin ang pondong ipagkakaloob dito.

Sa mabilis na pag-apruba, walang pagkakataong siyasatin ng ibang mambabatas ang badyet. Matapos ang welcome speech ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co ng Ako Bicol Party-list, agad na nag-motion si House Majority Leader at Zamboanga Second District Representative Manuel Dalipe na tapusin ang deliberasyon. Sa katunayan, hindi na nga pinagpresenta ng badyet ng OP si Executive Secretary Vic Rodriguez. Uusad na ang badyet ng OP sa plenaryo ng General Appropriations Bill kung saan mayroon pang pagkakataong siyasatin ito.

Hindi na bago ang paspasang pag-apruba sa badyet ng opisina ng pangulo. Sa nakaraang administrasyon, naging gawi na rin ito ng mga kongresista. Madalas nilang katwiran, magkakapantay o co-equal naman daw ang mga sangay ng pamahalaan. Mariin namang kinundena ng ilang kongresista, partikular na ng Makabayan bloc, ang tinawag nilang “blind approval” ng badyet na mayroon ngang halos limang bilyong confidential at intelligence funds.

Bagamat ayaw din natin ng mabagal na pamamahala, hindi makatwiran ang mabilisang pag-apruba sa badyet ng opisina ng presidente. Tungkulin ng Kongresong siyasatin ang inihahaing badyet at bantayan kung saan-saan gagamitin ang kaban ng bayan. Bahagi ng tinatawag na checks and balances sa pamahalaan ang pagtupad ng Kongreso sa responsibilidad nitong papanagutin ang ehekutibo sa kung paano nito gagamitin ang pondo nito. Nakalulungkot ding hindi nagdalawang-isip ang mga kongresistang bigyan ng bilyun-bilyong badyet ang OP kahit hindi nila alam kung saan ito gagamitin, samantalang ang Philippine General Hospital, na takbuhan ng mahihirap nating kababayang may sakit, ay binawasan ng badyet.

Hindi na tayo magtataka kung ganito rin ang mangyayari sa pagdinig sa dalawang bilyong badyet na inihain ng Office of the Vice President (o OVP). Ang badyet proposal ng OVP ay halos triple ng mga nagdaang badyet ng opisina sa nakaraang administrasyon. Tinataya ring nasa limandaang milyong piso ang confidential funds ng OVP.[4] Sa gitna ng tumataginting na halos labintatlong trilyong pisong utang ng Pilipinas at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, marami ang nababahala sa mabilis na pag-apruba sa nakalululang badyet.

Naniniwala ang Simbahang ang tunay na demokrasya ay hindi lamang bunga ng pagsunod sa pormal na mga proseso at panuntunan. Bunga ito ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao, pagrespeto sa karapatang pantao, at pagiging tapat natin sa tungkuling makamit ang kabutihang panlahat o common good. Kinikilala rin sa mga turo ng Simbahan ang hiwa-hiwalay na kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan at ang kahalagahan ng pagbalanse nila sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng pagpapanagot sa isa’t isa, napagtitibay ang rule of law. Samakatuwid, batas ang pamantayan ng pamamahala, hindi ang kung ano ang kagustuhan ng mga nakaluklok sa pamahalaan.

Hindi masasabing dumaan sa maayos na pagdinig ang badyet ng OP kung hindi ito nasiyasat o naipresenta man lamang sa publiko. Kailangan ang pagpapaliwanag, pagtatanong, at pagpapanagot sa bawat ahensya ng pamahalaan upang masigurong nagagamit nila sa wasto ang kaban ng bayan at hindi ito mapupunta sa katiwalian. Sabi nga ni Pope Francis, ang katiwalian ay pinagbabayaran ng mahihirap.

Mga Kapanalig, wika nga sa Efeso 4:25, “…itakwil natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa’t isa, sapagkat tayo’y bahagi ng iisang katawan.” Kung hindi gagampanan ng ating mga mambabatas ang tungkulin nilang pahalagahan ang katotohanan sa badyet ng gobyerno, tayo mismo ang aktibong magbantay sa kaban ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,288 total views

 7,288 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,261 total views

 13,261 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 19,016 total views

 19,016 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,279 total views

 26,279 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,263 total views

 34,263 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 7,289 total views

 7,289 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 13,262 total views

 13,262 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 19,017 total views

 19,017 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 26,280 total views

 26,280 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 34,264 total views

 34,264 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,561 total views

 35,561 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,565 total views

 47,565 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,607 total views

 55,607 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,164 total views

 47,164 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,589 total views

 45,589 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,375 total views

 47,375 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,300 total views

 44,300 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,614 total views

 58,614 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,304 total views

 62,304 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,907 total views

 60,907 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top