VeritasPH

The Word, The Truth

Bantayan ang pagpapatupad ng E-NIPAS Act

SHARE THE TRUTH

 375 total views

Mga Kapanalig, naging sunud-sunod ang mga cleanup drive sa Manila Bay at ang mga ilog at esterong dumadaloy doon. At asahan nating dadami pa ang ganitong mga gawaing may kaugnayan sa rehabilitasyon ng Manila Bay ngayong Abril, na itinalagang “Earth Month” dito sa Pilipinas sa bisa ng Proclamation No. 1482. “Earth Day” naman ang ika-22 ng Abril, isang araw na itinalaga ng pamahalaan upang ipaalam sa mga Pilipino ang tindi ng pagkasira ng ating kalikasan at upang ipaalala sa atin ang ating responsibilidad na pangalagaan ito.

Ngunit hindi lamang dapat natatapos sa ganitong mga gawain ang pagpapakita natin ng ating pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan. Bilang mga mamamayan, tungkulin nating tiyaking naipatutupad ng pamahalaan ang mga batas-pangkalikasan, hindi lamang dahil dapat nila itong gawin kundi dahil may karapatan tayo sa isang masiglang kalikasan, at ang kalikasan din ay may angking karangalang dapat nating isanggalang laban sa mapanirang mga gawain at negosyo.

Halimbawa ng batas na ito ang Republic Act No. 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System Act o mas kilala sa tawag na E-NIPAS Act. Nilagdaan ito ni Pangulong Duterte noong Hunyo 2018. Tinawag itong “expanded” dahil pinalalawig nito ang umiiral na NIPAS Act of 1992 na nagbibigay-proteksyon sa 113 na protected areas o mga lugar—bahagi man ng kalupaan o karagatan—na dapat pangasiwaan ang angking biological diversity at pangalagaan laban sa mapaminsalang gawain ng tao. Pinapangalagaan ang mga protected areas dahil lubhang mahalaga ang mga ito sa pagpapatuloy ng buhay ng mga hayop, halaman, at maging ng mga tao. Gayunman, 13 lamang sa mga protected areas na saklaw ng NIPAS Law ang may hiwalay na batas na nagbibigay ng mas malakas na proteksyon sa mga lugar na ito.

Isinasailalim ng E-NIPAS Act sa pangangalaga ng pamahalaan ang karagdagang 94 na protected areas. Kung maipatutupad nang maayos, titiyaking may nakalaang pondo para sa mga programang magbabantay at mangangalaga sa mga protected areas. May karampatang parusa rin sa mga lalabag sa batas.  Hinihintay na lamang na mabuo at mailathala ang implementing rules and regulations o IRR ng E-NIPAS Act upang tuluyan na itong maipatupad.

Tunay ngang biniyayaan ang ating bansa ng saganang biological diversity; ibig sabihin, matatagpuan sa ating kagubatan at karagatan ang napakaraming uri ng halaman at hayop (o flora and fauna). Ayon sa mga pag-aaral, ang isla ng Luzon nga raw ang may “greatest concentration of unique mammals” sa buong mundo. Nakapanghihinayang lamang na patuloy ang mga banta sa mga protected areas sa bansa dahil sa ating kapabayaan at kawalang-aksyon laban sa mga mapanirang negosyo at industriya katulad ng mga quarrying sites, pagmimina, logging, at illegal fishing.

Tungkulin nating lahat ang pangalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan, hindi lamang para sa ating kapakinabangan kundi para sa maayos na daloy ng buhay sa buong daigdig. Tandaan nating magkakaugnay ang lahat sa iisang planetang pinagsasaluhan ng mahigit 7 bilyong tao sa mundo. Magkakaugnay ang bawat nilalang ng Poong Lumikha kung kaya’t mahalagang isaalang-alang ang buhay ng bawat nilikha.

Ang pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan ay hindi rin lamang para sa kapakinabangan ng kasalukuyang henerasyon ngunit para rin sa susunod na salinlahi. May mga ipinamana sa atin ang nakaraang henerasyon na kasalukuyan nating napakikinabangan at napasasagana pa sa pamamagitan ng mabuting gawa; pananagutan nating higit na pagyamanin ang sanilikha para sa darating na henerasyon.

Kaya mga Kapanalig, maliban sa pagpapanatiling malinis ang ating kapaligiran, bantayan din sana natin ang maayos na pagpapatupad ng mga batas-pangkalikasan katulad ng E-NIPAS Act. Huwag nating hayaang mauwi ang batas na maganda lamang sa papel ngunit madaling abusuhin at lusutan ng mga nais sirain ang ating kalikasan upang kumita lamang.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,630 total views

 9,630 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,615 total views

 17,615 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 25,151 total views

 25,151 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 41,136 total views

 41,136 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 49,180 total views

 49,180 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,631 total views

 9,631 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,616 total views

 17,616 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 25,152 total views

 25,152 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 41,137 total views

 41,137 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 49,181 total views

 49,181 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,826 total views

 45,826 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,251 total views

 44,251 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,037 total views

 46,037 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,962 total views

 42,962 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,276 total views

 57,276 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,966 total views

 60,966 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,569 total views

 59,569 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,556 total views

 69,556 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,524 total views

 73,524 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,411 total views

 84,411 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top