Green Energy, isinusulong ng VeloMai campaign ng EU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Bumuo ng tulay para sa pakikipag-ugnayan at pagsusulong ng pagkakasundo ayon na rin sa panawagan ni Pope Francis sa international community.

Nais naman ni European Union na si Ambassador Franz Jessen na higit pang kilalanin ang Pilipinas sa pamamagitan ng gaganaping bike tour sa Bohol na itinakda sa ika-6 hanggang ika-7 ng mayo.

Ayon sa kinatawan ng EU sa bansa ito ay pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa kalikasan at pagsusulong ng malusog na pangangatawan.

“It’s way to promote green energy, sustainable development and another part is as a head of a mission you get to know very well the country, get out there on the road and see the villages and goes to the country side,” pahayag ni Ambassador Jessen sa Radio Veritas.

Ang VeloMai campaign ng EU ay ang pagkakaroon ng bike-to-work challenge kung saan hinimok ng grupo ang mamamayan na gumamit ng bisikleta papasok sa kanilang mga trabaho upang mabawasan ang nalilikhang polusyons a hangin bunsod ng usok ng sasakyan.

Pangungunahan ng opisyal ang pagbibisikleta sa Bohol sa Mayo kasama ang ilang dayuhang opisyal at mga rider groups sa bansa na nais makiisa sa programang ilulunsad.

VIVA EUROPA

Pormal na ring inilunsad ng EU ang Viva Europa ang taunang pagpapakita ng kultura ng mga bansang sakop ng EU noong ikawalo ng Abril na ginanap sa Makati City.

Layunin ng Viva Europa ay palakasin ang ugnayan at pagkakasundo ng mga EU Member states at ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagpapamalas ng iba’t ibang kultura ng iba’t ibang bansa.

Tema ngayong taon ang ‘EU Goes Techno’ kasunod ng Copernicus Programme Conference noong Marso na layong i-monitor ang daigdig at ang maraming sistema na sa buong kapaligiran na ginagalawan ng tao.

Kaugnay dito gagamit ng mga satelites ang EU para mag-monitor sa daigdig upang makakuha ng mga impormasyong makatutulong sa mga pag-aaral sa pagtugon sa food security, deforestation, climate change at iba pang banta ng kalamidad na maaaring kaharapin ng tao.

Kasama ng European Union ang mga iba pang delegado tulad ng mga Embahada ng Austria, Czech Republic, Germany, The Netherlands, at ang Philippine – Italian Association.

Ngayong taon ang ika-11 taong ng pagsasagawa ng Viva Europa na inaasahang mas magpapalago at makatutulong sa pagbubuklod ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, kultura at paniniwala.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 47,974 total reads

 47,974 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 165,271 total reads

 165,271 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 250,640 total reads

 250,640 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 297,380 total reads

 297,380 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 345,247 total reads

 345,247 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 441,055 total reads

 441,055 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top