Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,791 total views

Tag-ulan na  naman, at marami sa atin, dadanas na naman ng sunod-sunod na pagbaha. Kadalasan, sinisisi natin ang baha sa lakas at dami ng ulan na pumapatak ngayong panahon ng climate change. Hirap tayong aminin na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha ay ang pagbara ng ating mga daluyang tubig dahil sa dami ng basura sa ating paligid. At kung basura sa ating mga siyudad ang pag-uusapan, laging isa sa mga tampok dito ay ang basura sa ating mga ilog.

Nitong 2021 kapanalig, may isang pag-aaral na nagsasabi na ang plastic pollution sa mga karagatan at ilog ay isa sa mga umuusbong na environmental hazards sa buong mundo. At ayon sa pag-aaral na ito,  ang Pilipinas ang pangunahing contributor ng plastics waste. Sa 1,656 na ilog sa ating bansa na sinasabing nagdadala ng plastic wastes, ang nangunguna ay ang Ilog Pasig. Masakit man ang resulta ng pag-aaral na ito kapanalig, at atin man itong kwestyunin, kailangan pa rin natin tingnan kung may katotohanan ba na maraming basura ang ating mga ilog sa bansa.

Kapanalig, ang mga ilog gaya ng Pasig River, na nasa sentro ng urbanisasyon, ay bulnerable talaga sa ibat ibang uri ng polusyon. Tinatayang mga 65% ng mga polusyon sa ilog na ito ay mula sa household wastes. Marami pa ring mga tahanan sa paligid ng ilog ay impormal at walang maayos na indoor plumbing, kaya’t nagiging lagusan na ito ng mga wastewater mula sa mga kabahayan. Mga 30% naman ng polusyon sa ilog ay mula sa mga industriya. At syempre, mayroong din solid waste sa ilog, gaya ng mga plastic wastes. Ang Pasig River ay konektado sa iba pang mga tributaryos sa mga karatig lugar, at tinatayang mga 1.500 toneladang basura ang  tinatapon  hindi lamang sa mga ilog, kundi pati sa mga tributaryos at sapa, kaya naman bumabara na ang mga daluyang tubig.

Nais nating lahat na maging malinis ang mga daluyang tubig sa ating bansa. Sa Pasig River, marami ng mga proyekto at programa ang inilunsad upang linisin ito. Ang nakakalungkot, hindi natin ma-sustain ang mga naunang tagumpay ng mga gawaing ito. Isa sa mga posibleng dahilan ay ang magkakahiwalay na paraan natin upang malinis ang mga ilog, na hindi kinokonsidera ang kaugnayan nito sa  isa’t isa. Halimbawa, linisin man ng Marikina LGU ang Marikina River, pero kung ang mga tributaryo sa taas nito ay patuloy naman dudumihan, dadaloy lamang ito sa ilog doon, at sa kalaunan, magtutungo din sa Ilog Pasig.

Marahil, isa pa sa mga dahilan kung bakit patuloy na dumudumi ang mga ilog at tributaryo sa atin ay ang kawalan ng imprastraktura. Oo kapanalig, kailangan din ng imprastraktura, gaya ng mga wastewater treatment facilities at garbage collection and disposal system upang maiwasan na ang pagtatapon ng mga tao sa mga ilog at sapa. Kung tunay na nais natin ng malinis na mga daluyang tubig, dapat talaga magkapit-bisig ang mamamayan at estado. Hindi sapat na pagmultahin o pagbawalan lamang ang tao na magtapon ng basura sa ilog. Kailangan din may maayos na paglalagyan ng basura ang mga tao.

Kapanalig, ang buhay ng ating mga daluyang tubig ay nakatali sa ating buhay. Kung hindi natin sila pangangalagaan, mapait ang nagiging paghihiganti ng kalikasan. Ayon nga sa Laudato Si: The human environment and the natural environment deteriorate together.

Sumainyo ang Katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 6,639 total views

 6,639 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 12,612 total views

 12,612 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,367 total views

 18,367 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 25,630 total views

 25,630 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 33,615 total views

 33,615 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 6,640 total views

 6,640 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 12,613 total views

 12,613 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 18,368 total views

 18,368 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 25,631 total views

 25,631 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 33,616 total views

 33,616 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,514 total views

 35,514 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,518 total views

 47,518 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,560 total views

 55,560 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,117 total views

 47,117 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,542 total views

 45,542 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,328 total views

 47,328 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,253 total views

 44,253 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,567 total views

 58,567 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,257 total views

 62,257 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,860 total views

 60,860 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top