Pasalamatan ang panginoon, hiling ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total reads

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay pasasalamat sa Panginoon.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa ikasiyam na novena mass sa paghahanda sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon sa Holy Sacrifice Parish sa UP Diliman Quezon City.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula ang tunay na kahulugan ng ‘Eukaristiya’ upang makintal sa kamalayan ng mamamayan ang pasasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Because the Eucharist is thanksgiving, every time we celebrate the Mass, our hearts should be filled with gratitude to the Lord for all the blessings He has given us,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.
Aniya, marapat na kilalanin ng tao ang kabutihan ng Panginoon na pinagmulan ng lahat ng bagay dito sa mundo kabilang na ang buhay ng sangnilikha.

Giit ni Cardinal Advincula na dapat sa bawat pagdalo ng Banal na Misa ay isaisip ang pasasalamat sa halip na humihiling lamang sa Diyos ng mga pangangailangan at pinupunan lamang obligasyon bilang kristiyano.

Hiniling din ng pinuno ng Archdiocese of Manila sa mananampalataya na sa pagtanggap ng Banal na Katawan at Dugo ni Kristo ay isabuhay ang diwa ng pagmamalasakit at habag na naranasan mula sa Panginoon tungo sa kapwa upang higit na maipadama alab ng dakilang pag-ibig sa sanilikha.

“May we be people of concern and compassion for each other just like Jesus. In this way, our lives also become a pleasing sacrifice to the Lord,” ani Cardinal Advincula.

Ito rin ang ika – 45 kapistahan ng Holy Sacrifice Parish mula nang maitatag bilang Parokya na kasalukuyang pinamumunuan ang ni Father Jose Tupino III.

Bago ang Banal na Misa ginanap ang liturgical reception kay Cardinal Advincula kasama si Fr. Tupino, Bro. Nathaniel at Sis. Maria Faina Diola ang Lay Coordinators ng Parish Pastoral Council at si University of the Philippines Vice President for Administration Nestor Yunque.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 267 total reads

 267 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,758 total reads

 38,758 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,030 total reads

 265,030 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,495 total reads

 158,495 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,512 total reads

 252,512 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top