VeritasPH

The Word, The Truth

Bata muna ngayong eleksyon

SHARE THE TRUTH

 253 total views

Mga Kapanalig, kumpleto na ba ang listahan ng mga iboboto ninyo? Sa dami ng isyu sa ating bayan, naisip ba natin bilang mga botante ang mga batang Pilipinong mayroon ding pinagdaraanang mga problema sa kanilang murang edad?

Ngayong taon, inilabas ng grupong Bata Muna ang kanilang Children’s Electoral Agenda na hango sa mga karanasan at tunay na kuwento ng mga bata. Ang Bata Muna ay isang non-partisan network na binuo upang matiyak na ang interes ng mga bata ay maisasaalang-alang ngayong panahon ng eleksyon at maging pagkatapos nito. Hinihikayat nito ang mga botanteng bumoto para sa kapakanan ng mga bata. Umusbong ang agenda mula sa mga konsultasyon noong 2021 sa iba’t ibang komunidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao at mula sa isinagawang Children’s Congress kung saan mismong mga bata ang nag-usap-usap tungkol sa mga isyung dapat tutukan ng mga kandidato ngayong eleksyon.

Ang 15-point Children’s Electoral Agenda ay naglalaman ng mga panukala kung paano mas makakamit ng mga bata ang kanilang karapatang mabuhay, karapatang umunlad o lumago, karapatang makilahok, at karapatang maproteksyunan. Dahil ang mga bata ang isa sa pinaapektadong sektor ng pandemya, itinataguyod ng agenda ang kanilang karapatang makamit ang mga pangunahing pangangailangan nila katulad ng pagkain, edukasyon, kalusugan, at, para sa mga nakatatandang batang tumutulong sa kanilang pamilya, maayos at ligtas na trabaho. Sinu-sino sa mga kandidato sa lokal at pambansang posisyon ang nagsusulong ng mga karapatang pambatang ito?

Karaniwang hindi rin pinapansin ang opinyon ng mga bata, kaya binibigyang-diin din ng Bata Muna ang karapatang makilahok ng mga bata. Dapat kilalanin ng mga tumatakbong kandidato ang karapatan ng mga bata sa patas na pagkakataong masabi nila ang kanilang mga nasasaisip at saloobin, sa loob ng kanilang tahanan, sa kanilang paaralan at pamayanan, at sa pamahalaan. Paano isusulong mga kandidato ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga batang marinig ang kanilang mga hinaing at pangangailangan sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga programa ng pamahalaan?

Tungkol naman sa mga karapatang maproteksyunan, hiling ng Bata Muna na tiyakin ng mga kandidatong hindi mararanasan ng mga bata ang diskriminasyon, bullying, at pananakit dahil lamang sa kanilang edad at kasarian. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya ng mga batang protektahan ang kanilang sarili mula sa iba’t ibang porma ng pang-aabuso at pananamantala, kaya dapat nariyan ang mga nakatatanda, lalo na ang mga nasa pamahalaan, na ipagtatanggol din ang mga bata. Ang mga pinuno ng ating bansa ay may tungkulin ding sugpuin ang exploitation, child trafficking, at sapilitang pagtatrabaho o child labor na inilalagay ang mga bata sa matinding panganib. Mahalaga ring mabigyan ang mga bata ng protekyon upang hindi sila ma-recruit ng mga armadong grupo at sindikato. Karapatan din ng mga batang makatanggap ng tamang impormasyon, kabilang ang tungkol sa kanilang reproductive health.

Alalahanin natin ang babala ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti: maaaring nakatago sa likod ng mga pangakong uunahin ang kapakanan ng mahihirap at mahihina sa ating bayan ang kakulangan ng pagsasaalang-alang sa mga maliliit sa lipunan, katulad ng mga bata. Kaya sa pagkilatis natin sa mga pulitikong maraming pangakong binibitawan, alamin natin kung ano ang konkretong plano ng mga tumatakbo ngayong halalan para sa mga bata—mga batang “napapabilang sa kaharian ng langit” gaya ng wika ni Hesus sa Mateo 19:14.

Mga Kapanalig, dahil hindi pa makakaboto ang mga bata, tayong mga nakatatandang botante ang magtiyak na ang mamarkahan nating mga pangalan sa balota ay ang mga lider na may puso para sa mga bata. Sa darating na halalan, ilaban natin ang kinabukasan ng mga batang Pilipino. Bumoto para sa mga bata.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,413 total views

 16,413 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,458 total views

 24,458 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,538 total views

 29,538 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,244 total views

 35,244 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,032 total views

 44,032 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 16,414 total views

 16,414 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 24,459 total views

 24,459 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 29,539 total views

 29,539 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,245 total views

 35,245 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,033 total views

 44,033 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,025 total views

 41,025 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,339 total views

 55,339 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,029 total views

 59,029 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,632 total views

 57,632 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,619 total views

 67,619 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,587 total views

 71,587 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,474 total views

 82,474 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,913 total views

 94,913 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,671 total views

 105,671 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,924 total views

 52,924 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top