Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total reads

Magpapasko na, kapanalig. At isa sa mga walang maliw na simbolo ng kapaskuhan ay ang Belen. Ito ay larawan ng pamilya. Maralita man, puno naman ng ligaya at kapayaan.

Ang simbolong ito ay “ideal” na estado ng pamilya ngayon, lalong lalo sa ating bayan. Ang pamilya ngayon, lalo na ng maralita, ay nasa panganib. Sila ang unang unang tinatamaan ng mga mararahas na polisiya ng ating bayan, sila rin ang unang tinatamaan ng pagbagsak ng ekonomiya.



Isang halimbawa ay ang gyera laban sa droga. May mga pagsasaliksik na nagpapakita na binuwag nito ang samahan ng maraming pamilya sa bayan at iniwang ulila ang maraming mga bata. Ayon sa “Our Happy Family is Gone: Impact of the War on Drugs on Children in the Philippines, maraming mga bata ang nakaranas ng psychological distress at marami rin ang mas lumala pa ang kahirapan nung napatay ang kanilang ama o ina. Marami saa kanila ay hindi na nakapag-aral. Marami ang na-bully sa kanilang pamayanan o paaralan. Marami ang nawalan ng pamilya at tahanan. May ibang mga bata, sila mismo ang natamaan ng mga bala, sila mismo ang namatay. Ayon sa mga natala ng mga children’s rights advocates, tinatatayang mayroong 101 na bata ang napatay sa ngalan ng droga mula kalagitnaan ng 2016 hanggang 2018.

Ang ibayong kalungkutan ay dumapo pa sa mas maraming pamilya ngayong taon dahil sa COVID 19. Maraming pamilya ang nabawasan dahil nagapi sila ng pandemya. Umabot na sa mahigit sa 8,200 ang nasukol Corona Virus ngayon.

Kapanalig, ngayong kapaskuhan, habang ating sinisilayan ang Belen, umusal sana tayo ng dasal para sa pamilyang Filipino. Ayon sa Pacem in Terris, ang pamilya ay dapat natin ituring na una at pinaka-esensyal na “cell” o selula ng katawan ng lipunan. At dahil ito aang pinaka-esensyal, kailangan nating masusing bigyan ang bawat pamilya ng lahat ng kanyang kailangan upang magampanan nito ang bahagi niya sa lipunan.

Kailangan ng bawat pamilyang Filipino ngayon ng alalay at gabay upang sila ay maka-ahon sa sunod-sunod na banat sa kanilang hanay. Kailangan ng pamilyang Filipino na maramdaman na sila ay prayoridad ng pamahalaan. Kailangan nilang makita ang tunay na pagbabago na pinangako sa kanila ng ating mga politiko.

Kung ang pamilya ay wawasakin ng estado, nangangahulugan lamang na hindi nito tunay na nauunawaan ang kahulugan ng pagmamahal, sa pamilya man o sa bayan. Ang tunay na servant-leader, kapanalig, ay naniniwala na ang kinabukasan ng bayan ay nakahabi sa kaayusan ng pamilya.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 180,199 total reads

 180,199 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 251,300 total reads

 251,300 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 284,747 total reads

 284,747 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 320,047 total reads

 320,047 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 539,412 total reads

 539,412 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 180,200 total reads

 180,200 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 251,301 total reads

 251,301 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 284,748 total reads

 284,748 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 320,048 total reads

 320,048 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top