Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total views

Isa sa mga nakakapag-bigay buhay at pag-asa sa ating bayan ngayon ay ang biglaang pagdami ng mga Filipinong buong-tapang na nagnegosyo ngayong 2020. Dahil man sa kawalan ng trabaho o dahil sa mas maraming oras dahil nabawasan ang trabaho, isang malaking sorpresa ang dami ng mga kababayan nating namuhunan ngayong taon para sa online business.

 

Bago magkapandemya ngayong 2020, nasa 1,700 online business lamang ang naka-rehistro sa ating bayan. Nitong Setyembre, nasa 75,000 na ito. Kapanalig, kailangan nating pangalagaan ang paglagong ito upang tuluyan pang tumaas at mas matulungan pa ang maraming Filipino. Para magawa ito, kailangan nating magapi ang ilang mga hadlang sa maliitang online negosyo sa ating bayan.



Unang una, kailangan maisa-ayos ng bayan ang internet connectivity sa ating bansa. Sa ngayon, malaki na rin ang pinagbago ng bilis ng internet sa bayan. Ayon sa National Telecommunications Commission, umaabot ng 262.7 percent ang improvement sa internet speed ng bayan, kaya lamang mas mabagal pa rin ito sa ating mga karatig bansa.

Pangalawa, kulang tayo sa polisiya na nagbibigay proteksyon sa online sellers at buyers. Kulang din tayo sa mga regulations. Kulang din ang kamalayan ng marami ukol sa mga batas na umiiral na sumasakop sa online selling, gaya ng e-commerce law.

 

Isa pang hadlang sa paglago ng online selling ay kakulangan ng maraming mga negosyante sa manpower at resources. Dahil nga online, mabilis ang mga transakyon pagdating sa ganitong uri ng merkado. Mas malawak din ang kanilang nagiging market dahil mas malaki ang reach o naabot ng online selling. Kadalasan, mas marami ang umoorder, kaya’t hirap ang mga negosyante na tugunan ang demand.

 

Kailangan din mabigyang atensyon ng mga online sellers ang kanilang social protection. Marami sa kanila ang hindi consistent ang SSS contributins, at marami din ang walang health plans. Kaya’t pag nagkasakit sila, mas hirap din ang negosyo nila.

Pahayag ng Mater et Magistra: ang estado at ang mamamayan ay dapat magtulungan upang maging maunlad ang lipunan. Sa puntong ito ng kasaysayan ng bansa, kailangan ng bayan ng bawat isa sa atin upang mapangalagaan ang mga ningas ng pag-asa sa ating paligid ngayong panahon ng pandemya. Isa sa mga pag-asa ito ng maraming Filipino ngayon ay ang online selling. Mapangalagaan sana natin ang bagong uri ng mga mangangalakal sa ating bayan.

 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 137,844 total views

 137,844 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 168,068 total views

 168,068 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 194,714 total views

 194,714 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 289,687 total views

 289,687 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 301,806 total views

 301,806 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 137,845 total views

 137,845 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 168,069 total views

 168,069 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 194,715 total views

 194,715 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 289,688 total views

 289,688 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top