BFP, kinilala sa kapistahan ni San Floriano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 372 total views

Kinilala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr ang mga personalidad ng Bureau of Fire Protection dahil sa sigasig sa tungkuling ginagampanan.

Sa Banal na Misa sa Kapistahan ni San Floriano ang patron ng BFP, pinasalamatan ni Bishop Bacani ang mga bombero sa pagganap ng kanilang tungkuling pagligtas ng buhay at ari-arian.

Nagpapasalamat ako sa inyo, sa inyong gawain na pumapatay ng sunog at nagpapasalamat ako dahil sa inyong pagsunod sa utos ng Panginoon, ang magligtas ng buhay,” pagninilay ni Bishop Bacani.

Hinamon ng Obispo ang BFP na panatilihing nakasusunod sa kautusan ng Panginoon at tatalima sa tungkuling iniatang na magliligtas sa mamamayan laban sa sunog.

Bukod dito pinaalalahanan naman ni Bishop Bacani ang mga sibilyang dumalo na maging maingat sa bawat tahanan upang makaiwas sa sunog na makapipinsala hindi lamang sa mga ari-arian kundi maging sa buhay ng mamamayan.

SAN FLORIANO, PINTAKASI AT GABAY SA MGA BOMBERO

Ayon naman kay BFP Post Chaplain Rev. Fr. Raymond Tapia, CHS tulad ng kanilang pintakasi na si San Floriano ay laging nakahanda ang mga tagapamatay sunog sa pagresponde sa pangangailangan ng mamamayan.

Si San Floriano, huwaran at gabay ng mga bombero sapagkat siya bilang aming pintakasi o patron sa mga tagapamatay sunog kami ay pinaalalahanan na kami ay maging laging handa sa anumang mangyayari lalo na kapag may sakuna,” pahayag ni Fr. Tapia sa Radio Veritas.

Tiniyak ng Pari na nanatiling maalab ang pananampalataya ng mga bombero sa kabila ng maraming gawain na kinakaharap at inihayag na hindi naiiba ang paglilingkod ng mga bombero sa Diyos at sa bayan.

Ang aming tungkulin bilang isang bombero ay hindi nahihiwalay sa aming tungkulin sa pagliliingkod sa Diyos,” dagdag ni Fr. Tapia.

Hiling din ni Fr. Tapia sa mamamayan na patuloy na ipanalangin ang mga kasapi ng BFP para sa kaligtasan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Ginanap ang ika -11 Kapistahan ni San Floriano sa Holy Family Adoration Chapel sa Bureau of Fire Protection National Headquarters sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 92,722 total views

 92,722 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 92,722 total views

 92,722 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 92,722 total views

 92,722 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 89,954 total views

 89,954 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 82,176 total views

 82,176 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top