One Godly vote

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Ito ang mensahe ni Cebu Archbishop Jose Palma sa mga botante na makikilahok sa Midterm Elections sa Lunes ika – 13 ng Mayo.

Sa video message ni Archbishop Palma sa social media, sinabi nitong ang halalan ang wastong pagkakataon na ipakita ng bawat botante ang pagiging responsableng mamamayan dahil kinabukasan ng bayan ang kapalit ng boto.

“Isipin natin, na ito yung okasyon [halalan] na ipakita natin ang kahalagahan ng ating boto, na yung mga taong makapagdala ng mabubuting pag-unlad ang ating piliin sa mga balota,” panawagan ni Archbishop Palma.

Ipinagdarasal ni Archbishop Palma na hindi padadala sa takot, panunuhol o kung ano pang pamamaraan ng pamimilit sa mga botante ang pagpili ng mga kandidatong ihalal at maglingkod sa bayan.

‘ONE GODLY VOTE’ DIYOS AT BAYAN

Samantala, pinaiigting naman ng Arkidiyosesis ng Maynila ang kampanyang ‘One Godly Vote’ na layong itanim sa kamalayan ng mamamayan na dapat isaalang – alang ang mga kautusan ng Panginoon sa pagpili ng mga lingkod bayan.

Ayon kay Veritasan Anchor Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs at bumalangkas sa One Godly Vote, sa kasalukuyan ay inalis ng mamamayan ang Diyos sa kanilang pamumuhay at mas namamayani ang sekularismo o ang pagpapasya sa ganang sariling gusto.

“Ang secular mindset sa mga Filipino ay nag sink in, pag sinabi natin secular mindset; tinanggal mo yung Diyos sa larangan ng pamumuhay ng mga Filipino kaya yung naging focus dito ay yung kanilang sarili, so dito sa One Godly Vote ang gusto naman natin sa pagpipili ng kandidato isaalang – alang mo ang Diyos, sa pagpili ng kandidato isaalang – alang natin kung ano ba ang itinuturo ng Diyos,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Secillano na ang mga hakbang ng Simbahan ay pamamaraan ng ebanghelisasyon sa larangan ng pulitika upang maging makatao at may espirituwalidad ang paghalal ng mga indibidwal na mamumuno sa bayan.

“Hindi ito yung pamumulitika na parang walang aspeto ng pananampalataya, puwede naman nating lagyan ng pananampalataya ang pulitika, hindi naman sumasaklaw ang Simbahan sa mga gawain ng pulitiko kundi binibigyan natin ng ibang dimension kasi gusto nating i-humanize at i-spiritualize so yun ang adhikain ng One Godly Vote,” ani ni Fr. Secillano.

Umaasa ang Pari na makatutulong sa mga botante ang programa ng Arkidiyosesis hindi lamang sa halalan ngayong taon kundi maging sa mga susunod pang halalan na darating upang mapagnilayan at magabayan ang mamamayan na makapili ng karapat-dapat iluklok sa higit 18-libong posisyon sa national at local government.

Sa tala ng Commission on Elections 60 porsyento sa kabuuang halos 110 – milyong populasyon ng Pilipinas ay mga rehistradong botante na inaasahang makilahok sa pagpili ng mga susunod na lingkod-bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 14,919 total views

 14,919 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 25,547 total views

 25,547 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 46,570 total views

 46,570 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 65,409 total views

 65,409 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 97,958 total views

 97,958 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top