Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BFP, kinilala sa kapistahan ni San Floriano

SHARE THE TRUTH

 314 total views

Kinilala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr ang mga personalidad ng Bureau of Fire Protection dahil sa sigasig sa tungkuling ginagampanan.

Sa Banal na Misa sa Kapistahan ni San Floriano ang patron ng BFP, pinasalamatan ni Bishop Bacani ang mga bombero sa pagganap ng kanilang tungkuling pagligtas ng buhay at ari-arian.

Nagpapasalamat ako sa inyo, sa inyong gawain na pumapatay ng sunog at nagpapasalamat ako dahil sa inyong pagsunod sa utos ng Panginoon, ang magligtas ng buhay,” pagninilay ni Bishop Bacani.

Hinamon ng Obispo ang BFP na panatilihing nakasusunod sa kautusan ng Panginoon at tatalima sa tungkuling iniatang na magliligtas sa mamamayan laban sa sunog.

Bukod dito pinaalalahanan naman ni Bishop Bacani ang mga sibilyang dumalo na maging maingat sa bawat tahanan upang makaiwas sa sunog na makapipinsala hindi lamang sa mga ari-arian kundi maging sa buhay ng mamamayan.

SAN FLORIANO, PINTAKASI AT GABAY SA MGA BOMBERO

Ayon naman kay BFP Post Chaplain Rev. Fr. Raymond Tapia, CHS tulad ng kanilang pintakasi na si San Floriano ay laging nakahanda ang mga tagapamatay sunog sa pagresponde sa pangangailangan ng mamamayan.

Si San Floriano, huwaran at gabay ng mga bombero sapagkat siya bilang aming pintakasi o patron sa mga tagapamatay sunog kami ay pinaalalahanan na kami ay maging laging handa sa anumang mangyayari lalo na kapag may sakuna,” pahayag ni Fr. Tapia sa Radio Veritas.

Tiniyak ng Pari na nanatiling maalab ang pananampalataya ng mga bombero sa kabila ng maraming gawain na kinakaharap at inihayag na hindi naiiba ang paglilingkod ng mga bombero sa Diyos at sa bayan.

Ang aming tungkulin bilang isang bombero ay hindi nahihiwalay sa aming tungkulin sa pagliliingkod sa Diyos,” dagdag ni Fr. Tapia.

Hiling din ni Fr. Tapia sa mamamayan na patuloy na ipanalangin ang mga kasapi ng BFP para sa kaligtasan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Ginanap ang ika -11 Kapistahan ni San Floriano sa Holy Family Adoration Chapel sa Bureau of Fire Protection National Headquarters sa Quezon City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,329 total views

 25,329 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,417 total views

 41,417 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,082 total views

 79,082 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,033 total views

 90,033 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,948 total views

 31,948 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top