6,949 total views
Nanindigan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nanatiling bibliya ang pinagmumulan ng mga makatotohanang balita sa mundo.
Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pinakamabisang paraan ang pagbabasa ng bibliya upang labanan ang laganap na fake news sa lipunan lalo na ngayong digital age.
“The bible remains our most effective spiritual hearing aid in a world that often finds itself drowned by discorded messages, especially in this digital age of social media where the very technology for disseminating information has become just as usual for propagating disinformation,” ayon sa pahayag ni Cardinal David.
Ang mensahe ng opisyal ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Bible Month ngayong Enero kung saan nakatuon ang tema sa ‘God’s Word: Source of HOPE (Harmony, Obedience, Peace, Empowerment)’ na nababatay sa Jubilee Year ng simbahan na ‘Pilgrims of Hope’.
Sinabi ng cardinal na mahalagang mahubog ang kamalayan ng kristiyanong pamayanan sa mga Salita ng Diyos upang maiwasang mabiktima ng disinformation at misinformation partikular sa iba’t ibang online platforms lalo’t mayorya sa mga Pilipino o katumbas sa mahigit 80 milyon ang aktibo sa internet.
Binigyang diin ni Cardinal David na ang mga salita ng Diyos na nakalimbag sa bibliya ang pinagmumulan ng pag-asa lalo na sa mga pinanghihinaan at nahaharap sa mga pasubok ng buhay.
“Crises are indeed the most common circumstances in which we find ourselves drawing from the most precious resources of our faith our divinely inspired sacred scriptures,” ani Cardinal David.
Pamumunuan ng CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate ang mga pagdiriwang sa buong buwan kabilang na ang mga bible enthronement sa mga diyosesis sa bansa.
Kaugnay nito inaanyayahan ni Cardinal David ang mananampalataya na makiisa sa National Bible Month upang mapaigting ang pakikibahagi sa misyon na magpapalago sa pananampalataya at magpapatatag sa simbahan.
“I invite you brothers and sisters to make national bible month a location to initiate scripture-guided conversations in the spirit paying full attention not just to what each one says but to what the holy spirit is saying through each one of us may this conversation contribute to the revitalization of the church and the renewal of society towards social justice, peace and integrity of creation,” dagdag ni Cardinal David.
January 21 hanggang 26 ipagdiriwang ng simbahan ang National Bible Week ung saan sa26 ang Sunday of the Word of God o National Bible Sunday habang January 27 naman o huling Lunes ng buwan ang National Bible Day.
Matatandaang 2017 sa bisa ng Presidential Proclamation 124 idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang buong buwan ng Enero na National Bible Month bilang pagkilala sa kristiyanong pananampalataya ng mga Pilipino.
December 2018 naman ng lagdaan ng punong ehekutibo ang Republic Act 11163-ang huling Lunes sa buwan ng Enero bilang National Bible Day.