Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,041 total reads

Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan.

Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay naging ganid, kaya ang kalikasan na regalo sa atin ng panginoon ay unti-unting nawawasak at nasisira.

Ang Pilipinas na ating bansa, ay nahaharap sa kasalukuyan sa tatlong (3) “planetary crisis”. Kapanalig, nararanasan na natin ang epekto nito na kung hindi matutugunan ng lahat ng sektor sa bansa ay magiging matindi o malala ang pinsalang idudulot nito sa ating mga Pilipino.

Kabilang sa 3-planetary crisis ang climate change o nagbabagong panahon na nagdudulot ng malalakas na bagyo at pagbaha na pumipinsala sa buhay at kabuhayan ng tao. Nararanasan na rin sa bansa ang matindi at mabahang tagtuyot.

Pangalawa ang pollution..Kapanalig, ang plastic pollution sa Pilipinas ay umabot na sa alarming level kung saan ang isa sa mahigit 110-milyong Pilipino ay gumagamit ng 20-kilo ng plastic kada taon..Sa kabuuang 20-kilo, 15.4-kilos dito ay naging basura kaya ang bansa ang nangungunang contributor sa “ocean plastic waste” sa buong mundo na naitala sa 36-porsiyento ng kabuuang pollution.

Nararanasan sa bansa ang pollution sa kabila ng pagsasabatas noong taong 2001 ng “landmark law” na Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2001..Ito ay tinaguriang “Zero Waste” law at World most progressive environmental law na naging complementary ng Republic Act 8679 o Clean Air Act na nagbabawal sa pagsusunog ng basura o incineration wastes”. Gayunman Kapanalig, ang implementasyon ng batas ay hindi naging maayos dahil sa kakulangan ng political will at magkakaibang polisiya ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan..Ibig sabihin, palpak ang batas.

Malala din ang “air pollution” sa Pilipinas, lumabas sa pag-aaral noong 2023,. ang bansa ay ika-79 sa 134 mga bansa na hindi malinis ang “air quality” o nalalanghap na hangin.

Kapanalig, ang nararanasang 3-planetary crisis sa Pilipinas ay hindi nagkataon lamang, ito ay resulta at epekto ng malawakang “environmental degradation”.. Upang malimitahan ang epekto ng krisis ay nararapat magtulong-tulong ang mga negosyante, komunidad, gobyerno at lahat ng Pilipino maging “proactive” sa pagprotekta sa ating kalikasan.

Sa encyclical na “LAUDATO SI”, binigyan diin ni Pope Francis ang paalala ni St.Francis of Assisi na “Praise be to you, my Lord”. In the words of this beautiful canticle, Saint Francis of Assisi reminds us that our common home is like a sister with whom we share our life and a beautiful mother who opens her arms to embrace us. “Praise be to you, my Lord, through our Sister, Mother Earth, who sustains and governs us, and who produces various fruit with coloured flowers and herbs”.

Panawagan ng Santo Papa sa sangkatauhan” I urgently appeal, then, for a new dialogue about how we are shaping the future of our planet. We need a conversation which includes everyone, since the environmental challenge we are undergoing, and its human roots, concern and affect us all. All of us can cooperate as instruments of God for the care of creation, each according to his or her own culture, experience, involvements and talents.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 44,413 total reads

 44,413 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 79,088 total reads

 79,088 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,883 total reads

 107,883 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 144,365 total reads

 144,365 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,834 total reads

 159,834 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 44,414 total reads

 44,414 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 79,089 total reads

 79,089 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,884 total reads

 107,884 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 144,366 total reads

 144,366 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top