Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,911 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-15 Linggo ng KP, 15 Hulyo 2025, Exod. 2:1-15 at Mat 11:20-24

Sa mga kuwentong napapanood ko noong bata pa ako sa mga pelikulang Tagalog sa “Pinilakang Tabing” o “Mga Aninong Gumagalaw”, mabilis akong nagsawa. Kasi dalawang klase lang parati ang mga karakter: mga tipong bida at mga tipong kontrabida. Kapag bida, tipong mabait at inaapi, pero sa bandang huli papanigan din ng tadhana; susuwertihin. Kapag kontrabida, pag masama, sobrang sama naman. Malupit, mataray, mga tipong Bella Flores, pero mamalasin din sa bandang huli. Nakakasawa dahil mga tipo ng kuwento na masyadong predictable. E maliit pa ako, alam ko naman na hindi ganyan sa totoong buhay.

Kaya gustong-gusto ko ang paraan ng pagkukuwento ng manunulat ng Book of Exodus. Bida si Moises at ang mga Hebreong alipin na inaapi sa Egipto. Pero hindi naman lahat ng taga-Egipto ay kontrabida ang dating. Mayroon din sa kanilang mabait at makatao. Katulad ng dalawang komadrona sa kuwento na hindi sumunod sa utos ng hari na patayin ang mga batang lalaking isinisilang ng mga babaeng Hebreo. At siyempre nandiyan din ang kuwento ng prinsesang nagligtas sa sanggol na nasa loob ng basket na inanod sa ilog at napulot niya at inampon pa niya bilang sariling anak at tinawag niyang Moises.

Hindi rin laging bida ang mga Hebreong alipin sa kuwento niya. Nandiyan ang magkababayang Hebreo, parehong alipin at api, pero nag-aaway. At isinubo pa sa alanganin at isinuplong sa otoridad si Moises, gayong nagmamalasakit lang ito sa kanila.

Sa ebanghelyo, parang ganyan din ang punto ni Hesus. Dahil doon namalagi si Hesus sa mga bayang katulad ng Chorazin, Bethsaida at Capernaum, ibig bang sabihin mas maswerte sila? Matinding sumpa ang bibitawan laban sa kanila dahil daw wala namang pagbabagong nangyari sa kanila, sa kabila ng mga pangaral na narinig nila at mga kababalaghan na nasaksihan nila sa pamamalagi ni Hesus sa piniling nila.

Minsan dahil siguro sa kapapanood natin sa mga mumurahing telenobela, sa di natin namamalayan, pumapasok din sa ating kamalayan ang ganitong mentalidad na para bang tayo ang bida at lahat ng ibang tao ay kontrabida. Na tayo ay Kristiyanong bansa at lahat ng hindi Kristiyano ay masama. Na Tayo ay Katoliko at palasimba at lahat ng hindi nagsisimba ay makasalanan. Na tayo ay maliligtas at ang ang hindi binyagan ay hindi.

Magandang paalala ang narinig nating alleluia verse mula sa Salmo 95: “Kung sa araw na ito’y inyong marinig ang tinig ng Diyos, huwag ninyong hahayaan magmatigas ang inyong puso.” Sa totoong buhay hindi totoong dalawang klase lang ang tao: bida at kontrabida, suwerte at malas. Lahat tayo ay makasalanan, pero lahat din tayo ay may pag-asa, tinatawag na maging mga anak ng Diyos.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 696 total reads

 696 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,857 total reads

 2,857 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 10,279 total reads

 10,279 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 47,659 total reads

 47,659 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,930 total reads

 78,930 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,824 total reads

 155,824 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 249,563 total reads

 249,563 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE “SON OF MAN”

 9,653 total reads

 9,653 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 6,446 total reads

 6,446 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 19,454 total reads

 19,454 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 19,089 total reads

 19,089 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »
Scroll to Top